Bagong Chief Justice! Teresita De Castro, nanumpa na

Bagong Chief Justice! Teresita De Castro, nanumpa na

-Opisyal nang nanumpa sa kanyang tungkulin ang bagong punong mahistrado na si CJ Teresita De Castro

-Nanumpa si De Castro sa harap ng mga dating kasamang associate justices

-Ito na ang pinakamaiksing panunungkulan ng isang punong mahistrado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nanumpa na bilang bagong chief justice ng Supreme Court (SC) si Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro sa harap ng mga justices.

Ito ay sa pangunguna ni Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo Philippines, nanumpa si De Castro matapos ang regular en banc session kada araw ng Martes, kaya naantala ang sesyon.

Ito ang unang araw na si De Castro ang magpe-preside sa en banc.

Pagkatapos ay agad ding isusunod ang oral arguments na itinakda ng Korte Suprema sa kaso ng pagkalalas ng Pilipinas sa Rome Statute of the International Criminal Court (ICC) na ilang beses ding naipagpaliban.

Bagong Chief Justice! Teresita De Castro, nanumpa na

Photo source: Remate

Mainit naman na sinalubong si De Castro sa flag ceremony sa Supreme Court.

Ang bagong punong mahistrado na ang may pinakamaiksing panahon ng panunungkulan dahil magreretiro ito sa Oktubre.

Nauna ng naibalita ng KAMI, na ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong talagang CJ.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you want to stay on top with all of the latest social problems and hear people’s life stories? If your answer is “yes”, then this playlist in exactly what you need! How Do You say “cheers” In Filipino? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel