5 batang nasawi sa Tondo fire, narinig pa ng magulang na humihingi ng saklolo

5 batang nasawi sa Tondo fire, narinig pa ng magulang na humihingi ng saklolo

- Labis ang hinagpis ng mga magulang ng 5 batang nasawi sa sunog sa Tondo noong Agosto 27

- Sasagipin pa raw sana nila ang mga anak na naririnig pa nilang humihingi ng tulong

- Walang kasamang nakatatanda ang mga bata at naiwan pa silang naka-lock ang pinto kaya naman di agad nakalabas ng bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos lunos ang sinapit ng 5 batang na-trap sa kanilang mismong bahay na nasunpg noong Lunes, Agosto 27.

Nalaman ng KAMI na naiwan lamang ang 5 magkakapatid na walang kasamang nakatatanda. Lumabas para bumili lamang daw ng ulam ang ina habang ang ama naman ay umalis para magpagawa ng motor.

"Iniwan ko lang po sila, Ma'am... bibili ng pagkain. Pagbalik ko nag-aapoy na po 'yung pinto. Binubuksan ko po, hindi ko mabuksan, Kahit anong tulak po," sabi ni Emily Gemeniano ang ina ng mga bata.

Sinubukan daw nilang sagipin pa ng kanyang mister na nakilalang si Michael Gemeniano dahil naririnig pa nila di umano ang mga bata na humihingi ng saklolo sa may CR ng kanilang bahay.

"Papasok na sana ko Ma'am... may humila sa akin... mga anak ko pala nasa banyo pa kung pinayagan lang nila ako, Ma'am buhay pa mga anak ko," dagdag pa ni Emily.

Narinig ko pa mga bata nagsisigaw sa may CR eh. Wala na rin di ko malaman san ako dadaan, puro apoy na rin po. Puro usok," sabi naman ng ama ng mga bata.

Isa sa mga anak nila na mula sa bahay na nasunog ay nakaligtas dahil nakatalon umano ito sa bintana habang ang isa pa nilang anak ay nakitulog sa tiyahin kaya naman wala sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente.

Pinoproblema rin ng mag-asawa ang inaasahang gagastusin nila para sa burol ng kanilang mga anak na ngayon ay nasa Sanctuary Funeral Homes sa Sta. Cruz.

Base sa isinagawang imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa lighter na pinaglaruan ng isang bata.

Natupok nito ang 40 na kabahayan at 100 panilya naman ang apektado.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
14 taong gulang na dalagitang kumakanta, nabugbog ng "naiingayan" daw sa kanya

14 taong gulang na dalagitang kumakanta, nabugbog ng "naiingayan" daw sa kanya

14 taong gulang na dalagitang kumakanta, nabugbog ng "naiingayan" daw sa kanya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel