Arci Muñoz, nag-lie umano nang pumili kina Gerald Anderson at Piolo Pascual

Arci Muñoz, nag-lie umano nang pumili kina Gerald Anderson at Piolo Pascual

- Sumalang ang 'Since I Found You' actress na si Arci Muñoz sa sa lie detector test ng MYX Philippines

- Nagtrending ang nasabing episode ng music channel dahil sa mga naninerbiyos na tawa at kwelang reaksyon ni Arci sa mga tanong at sa mismong lie detector device

- Laugh trip lang talaga ang nasabing show dahil na rin sa kinakabahang aktres at vocalist sa maaring reaksyon ng device sa kanyang mga sagot sa tanong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang nakakatuwang episode ng MYX Philippines ang nangyari kamakailan lang, at ito ay ang pagsalang sa 'Since I Found You' actress ng Kapamilya Primetime Bida show na pinagbibidahan ni Arci Muñoz at ni Piolo Pascual.

Sa ABS-CBN Entertainment una namin nakita ang naturang lie detector test episode na kasama si Arci.

Bungad pa lang sa lie detector test challenge klarado ang pagkanerbiyos ni actress-vocalist.

Ani pa niya:

“Madaya, kasi kinakabahan talaga ako!”

Sa nakita na video ng KAMI, makikita si Arci Muñoz na nakalagay ang kanyang kanang kamay sa "polygraph device" na magbibigay "light electric shock," kung malalaman nito na nagsisinungaling ang actress-vocalist.

Tinanong si Arci ng maraming tanong at isa na rito ay ang pagpili sa pagitan nina Gerald Anderson at Piolo Pascual.

Ayaw pa sana niya pumili sa dalawa, at nang sumagot sya kung sino ay kinuryente sya dahil ayon pa sa device, nagsisinungaling daw sya.

Nagprotest naman si Arci dahil sure na sure sya sa kanyang sagot.

Unang nakilala si Arci Muñoz sa GMA-7 dahil isa sya sa finalists ng StarStruck sa season 3 nito noong 2005 na may pamagat na "The Nationwide Invasion."

Naging Kapuso sya from 2006 hanggang 2010, at noong 2010 hanggang 2012 naging Kapatid sya sa Talent5, at Viva Artist noong 2012 hanggang 2016.

At noong 2017, naging parte na sya ng Star Magic ng ABS-CBN.

Ngayon, makikita sya kasama si Papa P, Alessandra de Rossi, at Empoy sa Kapamilya Primetime Bida TV series na 'Since I Found You.'

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel