Bulag na grand finalist, hindi pa rin nakukuha ang consolation prize sa ‘Tawag ng Tanghalan’

Bulag na grand finalist, hindi pa rin nakukuha ang consolation prize sa ‘Tawag ng Tanghalan’

- Nasaksihan ng stage play director na si Paul Ballon ang sitwasyon ni Carl Malone Montecido sa Bacolod City

- Ayon kay Carl, hindi pa rin niya nakukuha ang consolation prize na P100,000 sa Tawag ng Tanghalan

- Kaya naman humihingi ng tulong ang director para mabigyan tulong at atensyon si Carl

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa Bacolod City, nadurog ang puso ng stage play director na si Paul Ballon nang malaman na ang kanyang idolo si Carl Malone Montecido ay nakatira sa isang bakuran ngayon.

Si Carl ay grand finalist sa 'Tawag ng Tanghalan' segment ng noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Direk Paul ang sitwasyon ni Carl.

“Carl Malone was one of the Final 5. But among the 5, SYA LANG ANG HINDI NABIGYAN NG BREAK... Inspite of the million votes they gathered during the show just for Him because its a voting show,” sabi ng direktor.

Ayon kay Carl, hindi pa rin niya nakukuha ang kanyang consolation prize na P100,00 mula sa Tawag ng Tanghalan. Dagdag pa ni Carl, niloko lang siya sa Maynila at ginamit lang ang kanyang talento dahil bulag siya.

Ang rason sa hindi pagbigay ng premyo sa kanya ay ang BIR at mga resibo.

Kaya sabi naman ni direk Paul, “Pambihira naman mga kapatid s industriya. BULAG yung tao!!! Paano nya magagawa ang mga papeles na yan? Tayo ngang nakakakita hirap mag ayos di ba?”

Dagdag pa niya, “You should have given him an assistance, O ginawa nyong oportunidad ito ng di sya mabayaran ng buo sa isang bagay na kanyang pinaghirapan!”

Kaya naman desidido ang direktor na tulungan si Carl matupad ang mga pangarap niya.

Aniya, “BIBIGYAN KTA NG TRABAHO!!!at HAHABULIN NATIN ANG PERA MO. AKO ANG MAGIGING MATA MO SA MGA TAONG LALONG BUMULAG SA DAANANG PINANGARAP MO.”

Tignan ang kanyang buong post dito:

Sa ngayon, sinusubukan pa rin ng direktor na umabot sa ABS-CBN at Tawag ng Tanghalan ang isyung ito.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Try Not To Get Scared Challenge: Can YOU handle it? Do you like watching scary movies or is it something you would rather avoid at all costs? Today, these brave strangers from The Philippines are watching Attic Panic. Some of these individuals are braver than others. Watch this adult reaction and find out. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party

More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party

More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel