Motorista, nakipag-talo pa sa driver ng ambulance na may pasaherong 50-50

Motorista, nakipag-talo pa sa driver ng ambulance na may pasaherong 50-50

- Nabangga ng isang ambulansya ang van habang pakanan ito papunta sa PGH

- Huli sa video na nakikipagtalo ang drayber ng van sa drayber ng ambulansya

- Nakipagtalo siya kahit pa may 50-50 na pasaherong sa ambulansya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon ang video ng isang motorista na nakipag-talo pa sa isang drayber ng ambulansya na may pasaherong kritikal ang kundisyon.

Ayon sa GMA News, kakanan sana ang ambulansya papunta sa Philippine General Hospital para isugod ang 50-50 na pasyente.

Kwinento ng drayber ng ambulansya na hindi raw sila pinagbigyan ng drayver ng van na kumanan sa intersection kaya nabangga nila ito.

Sa kabila ng pasaherong 50-50, kita sa video na tuloy-tuloy pa rin ang pakikipagtalo ng motorist sa drayber ng ambulansya. Ilang minuto pa ang lumipas bago iniwan ng ambulansya ang drayber ng van.

Narito ang video report ng GMA News:

Galit na galit naman ang netizens sa insidente:

“Dapat talaga taasan ang multa. Barya lang yang 1K sa mga aroganteng naka SUV na hindi marunong sumunod sa batas trapiko.”

“Ang liit ng multa kaya pala madaming pasaway pa din na motorista.”

“Ibang klase talaga ang pinoy. Bakit kaya may ganyang tao? Saan nila napulot ang ganyang pag-uugali? Kulang talaga sa disiplina.”

Obligado ng batas ang mga motorista na bigyang daan ang mga ambulansya, fire trucks at police cars kung may emergency.

Kung mabangga naman ng emergency vehicle ang sasakyan ng motorista, kailangan pa rin pabayaan ng motorista na makarating sa destinasyon ang emergency vehicle.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you want to stay on top with all of the latest social problems and hear people’s life stories? If your answer is “yes”, then this playlist in exactly what you need! How Do You say “cheers” In Filipino? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel