Rosemarie Gil sinabuyan ng tubig sa mukha ang anak na si Cherie Gil pagkatapos kutyain ratings ng show

Rosemarie Gil sinabuyan ng tubig sa mukha ang anak na si Cherie Gil pagkatapos kutyain ratings ng show

- Nag-viral ngayon ang mag recreate ni Rosemarie Gil at Cherie Gil sa iconic scene ng huli at ni Sharon Cuneta

- Kinutya daw kasi ni Cherie ang ina na mababa ang ratings ng show nito sa ABS-CBN, habang ang kay Cherie na Onanay ay pumapatok

- Kaya ayun, tinawag na "copycat" sabay saboy ng tubig sa mukha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa wakas! Nakita na ni Lavinia ang katapat niya at iyon ay ang kanyang dakilang ina!

Isang post ng mag-ina ang nag-viral ngayon dahil pinakita dito ang "pagkutya" ni Cherie sa kanyang ina dahil samababa ang ratings.

Nakita ng KAMI na sabi kasi ni Cherie mas mataas daw ang ratings ng show nilang Onanay kaysa Ngayon at Kailanman.

"So, kamusta naman, mommy, at mas mataas ang ratings ng show namin kaysa sa inyo?”

Kaya agad sinagot ni Rosemarie ng, "You're nothing but a second-rate trying hard copycat!"

Sabay tapon ng tubig sa mukha ng dakilang si Lavinia.

Pagkatapos punasan ang mukha, agad sinabi ni Lavinia, "Fine, but it's still my line. Copycat!"

Sa caption ng post, sabi ni Cherie, "Now THIS IS CLASSIC ! And THIS upon my request ! #ilaviniaarguellesmoako #onanay #ngayonatkailanman

"Disclaimer : only my mother can do this to me ha !?!?

"Thank you mom Rose Marie Gil Eigenmann for being such a great sport ! #theoriginal"

Si Cherie Gil ang isa sa mga bida ngayon sa Onanay, show sa GMA. Si Rosemarie Gil naman ay nasa Ngayon at Kailanman sa ABS-CBN.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Toni Gonzaga reveals heartbreaking reason why Alex became a vlogger

Toni Gonzaga reveals heartbreaking reason why Alex became a vlogger

Toni Gonzaga reveals heartbreaking reason why Alex became a vlogger
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel