Viral na "white lady' ng Quezon, may hatid daw na malas sa mga makakakita rito

Viral na "white lady' ng Quezon, may hatid daw na malas sa mga makakakita rito

- Nag-viral kamakailan ang video ng sinasabing "white lady" na nakisabay sa multicab sa Zigzag road ng Atimonan, Quezon

- Sinasabing may kaakibat daw na kamalasan na maaring maaksidente ang mga driver o pasahero na makakakita dito sa Zigzag

- May ilang naniniwala dahilan sa sarili mismo nilang karanasan ngunit karamihan naman ay hindi basta naniwala rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan ay mabilis na nagviral ang post ng netizen na si Patricia Camille Alvarez kung saan aktwal daw niyang nakunan ang "white lady" ng Atimonan Quezon na nakisabay sa isang multicab na nasa unahan lamang ng sinasakyan nila.

Ayon sa naunang naibalita na ng KAMI, Agosto 14 bandang alas dose na ng hating gabi nang nagbiyahe pauwi mula sa Niyugniyugan Festival sina Patricia nang kilabutn sila at nakita ngang nakisabay ang sinasabing "white lady" ng Zigzag road ng Quezon.

Bukod sa nakakapanindig na balahibong pagpapakita nito, may kaakibat pa raw itong kamalasan sa sinumang makakakita rito habang nasa biyahe. Maari raw maaksidente ang mga pinagpakitaan o pinagparamdaman ng "white lady" na ito.

Ayon sa kay Nesler Luis Almagro, Tourism Officer ng Atimonan, kwento raw noon pa man na kailangan mong parahan ang White lady na pumapara sa sasakyan. Kung hindi, maari raw maaksidente ang sinumang lumampas lang dito.

Marami na raw mga dumaraan dito ang nakaranas ng ganitong pagpapakita at pagpaparamdam ng white lady na naging imahe na ng lugar.

Kaya naman, nagkaroon ng kuru-kuro na marahil nagdudulot na lamang ito ng psychological na epekto sa sinumang dadaan dito na tila ba ay inaasahan na nila na mayroon ngang white lady sa Zigzag.

Ngunit, di lahat ng taong nakadaan na dito ay ganito lagi ang karanasan. Katunayan, ang ilan sa mismong mga residente ng lugar ay ni minsan di nakaramdam ng sinasabing "white lady" ng Atimonan, Quezon.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, commend Vhong Navarro's girlfriend for outstanding Halik script

Netizens, commend Vhong Navarro's girlfriend for outstanding Halik script

Netizens, commend Vhong Navarro's girlfriend for outstanding Halik script
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel