Single mom na OFW, iniwan ang anak para mag-alaga ng ibang bata sa Kuwait

Single mom na OFW, iniwan ang anak para mag-alaga ng ibang bata sa Kuwait

- Binahagi ng OFW na si Joy na isang single mom ang kanyang pinagdaraan para lamang mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang anak

- Sa kabila ng mga pagsubok, positibo sa pananaw sa buhay si Joy

- Masasabing swerte pa rin daw si Joy dahil maayos ang pamilyang napasukan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gaya ng maraming OFW, isa ring ina ang letter sender sa KAMI na si Joy ng Cagayan de Oro.

Binahagi niya kung paano niya tiniis na mawalay sa kanyang anak para lamang mabigyan ito ng maayos na buhay.

Single mom si Joy at kahit masakit sa kanyang kalooban, nag-aalaga siya ng ibang bata abroad kaysa alagaan ang sariling anak na nasa Pinas.

Single mom na OFW, iniwan ang anak para mag-alaga ng ibang bata sa Kuwait
source: supplied

Gayunpaman, napaka-positibo ng pananaw sa buhay ni Joy. Msasabi niyang maswerte pa rin siya dahil sa maayos din ang napasukan niyang mga amo.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Joy na binahagi sa KAMI:

Just wanna share my experience bilang isang OFW from kuwait.

Ako po pala si Joy from Cagayan de oro. Working Dh dito.

Mahirap sakin na iwanan ung mga anak ko s kadahilanan na isa akong SINGLE MOM. at kilangan kong magsumikap para sa kanila.. Last june 20 2016 dumating ako dito sa kuwait walang araw na di tumutulo luha ko dahil sa subrang pananabik ko sa pamilya ko at minsan tinatamaan ng HOMESICK kung tawagin naming mga OFW isa din ako sa mapalad na nakatagpo ng among kahit kuripot ay wala namang pinagbabawal sa pagkain kapag meron lang ok na sakin dahil katawan lang ang puhonan nating mga OFW dito sa ibang bansa.

Single mom na OFW, iniwan ang anak para mag-alaga ng ibang bata sa Kuwait
source: supplied

Kung di ka maging matapang tatalonin ka ng kahinaan mo kung magpapadala ka sa emotion mo ikaw din ang sisira sa pag iisip mo..

Palakasan ng loob lang ang kilangan mo para malagpasan mo ang dalawang taon na pananatili sa bansang pinagsilbihan mo..

Masakit man samin mga ina na mag alaga ng bata na di namin kadugo wala kame magagawa kilangan tiisin ang lahat dahil para sa pamilya.

Single mom na OFW, iniwan ang anak para mag-alaga ng ibang bata sa Kuwait
source: supplied

Mga pagkakataon na nangungulila ka sa kanila lalo na sa pasko at bagong taon di mo maiwasang mapaluha. Pero kinaya namin dahil may pangarap kame sa buhay na makaahon sa kahirapan..

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica