Swerte siya! Pinay OFW, sinorpresa ng pamilya ng kanyang amo sa kanyang kaarawan

Swerte siya! Pinay OFW, sinorpresa ng pamilya ng kanyang amo sa kanyang kaarawan

- Nakakatuwang sinorpresa ang Pinay OFW na si Jorlene Jhore ng kanyang amo sa kanyang kaarawan

- Buong pamilya ng pinagsisilbihan ni "Marlene" ay nakikanta ng "Happy Birthday" sa kanya

- Umani ng mga positibong komento ang post na ito dahil sa bihira nang makatagpo ng mabait na amo ang mga kababayan nating OFW abroad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing maswerte talaga ang kababayan nating si Jorlene Jhore na nakatagpo ng mababait at maaalalahanin na amo.

Sa kanya mismong facebook account, binahagi ni Jorlene kung paano siya sinorpresa ng pamilya ng kanyang amo.

Nalaman ng KAMI na makikitang kumkanta ang babae niyang amo ng "Happy Birthday" habang may dala dala pa itong espesyal na cake.

Ang anak naman nitong babae ay may dalang paper bag na regalo pala kay Jorlene na tinatawag nilang Marlene. Ang lalaking amo naman ni Marlene ay nakikikanta rin ng "Happy birthday" habang kinukunan ng video ang panonorpresa sa OFW.

Tila nagulat talaga si Jorlene nang makita ang mag-anak ng kanyang amo at bakas sa kanya ang saya.

Hinagkan at niyakap pa siya ng amo niyang babae gayundin ang mga anak nito.

Patunay lamang na may mga OFW pa rin naman na sinuwerte sa napasukang amo abroad.

Samantala, labis namang natuwa ang mga kababayan nating nakapanood ng video. Sana raw, lahat nang mapupuntahang pamilya ng mga OFW ay katulad ng napasukan ni Jorlene.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wow happy birthday sis.bait nmn amo mo"

"BAIT NAMN NI AMO MO"

"umaan sa wall ko....wow nakakataba ng puso."

"swerte naman nito, sana lahat makatagpo ng amo na katulad nila"

"Wow, talagang may cake at gifts pa!"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel