Nakakaiyak! Lola na OFW, emosyonal na umuwi ng bansa matapos ang 28-taon sa abroad

Nakakaiyak! Lola na OFW, emosyonal na umuwi ng bansa matapos ang 28-taon sa abroad

- Matapos ang halos 3 dekada, nakauwi na ng bansa si Lola Angela Cacayuran

- Agosto 26 nang makarating sa bansa si Lola Angela matapos itong mabigyan ng amnestiya mula sa UAE

- Walang pagsidlang ng kaligayahan si Lola Angela na makakasama na ang kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahilan sa expired na visa, napilitang magtago na lamang at magtrabaho ng palihim sa UAE si Lola Angela Cacayuran.

Matapos ang halos 3 dekada na pamamalagi sa UAE, nakasama si Lola Angela sa pangalawang batch na nabigyan ng amnestiya ng gobyerno ng nasabing bansa.

Nalaman ng KAMI na nagawa lamang mag-"overstay" ni Lola Angela ay dahil sa may pinagtatapos pa ito noon na bunsong anak.

Sa panayam ng The Filipino Times kay Lola Angela, ansabi niyang tila naninibago na siya.

“Parang naninibago nga ako," wika ng Pinay OFW na maluha-luha pa.

Nakakaiyak! Lola na OFW, emosyonal na umuwi ng bansa matapos ang 28-taon sa abroad

source: The Filipino Times

Mula Ninoy Aquino International Airport, bibiyahe pa si Lola Angela patungong La Union upang makapiling ang kanyang mga mahal sa buhay.

Ayon sa isa sa mga anak ni Lola Angela na si Editha, umalis daw ang ina niya noong siya ay di pa man lang pumapasok sa eskwelahan. Super proud din siya sa mga sakripisyo ng kanyang ina upang mabigyan lamang sila ng maayos na edukasyon at mas komportableng buhay.

“Kung wala naman pong pangangailangan, eh di dito na lang sana. Kaso po hindi naman kayang magpaaral ng sa probinsya ka lang eh. Kaya nagtiyaga siyang magtrabaho doon,” pahayag ni Editha.

Sulit namang daw lahat ng hirap, pagod at sakripisyo ni lola Angela dahilan sa napagtapos na niya lahat ng kanyang mga anak. Katunayan, ang bunso niyang anak ay nagtatrabaho na ngayon sa Dubai.

Ngayon nasa bansa na muli siya matapos ang 28 na taon, walang pagsidlan ng kaligayahan si lola Angela.

Nakakaiyak! Lola na OFW, emosyonal na umuwi ng bansa matapos ang 28-taon sa abroad

source: The Filipino Times

Payo niya sa lahat ng magbabalak na maging OFW, “Bago kayo umalis papuntang abroad, magpray sila para sa lakas ng loob, magpray na swertehin din sa amo. Minsan nasa swerte lang din yan.”

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel