Mala-dyosa nga! Anak ni Lito Lapid, nakapukaw ng pansin dahil sa angking ganda

Mala-dyosa nga! Anak ni Lito Lapid, nakapukaw ng pansin dahil sa angking ganda

- Usap-usapan ngayon ang anak ng aktor na si Lito Lapid dahil sa angkin nitong ganda

- Marami ang nagsasabi na mala-dyosa daw ang mukha ng aktres na si Ysabel Ortega

- Sinabi ni Ysabel sa isang panayam na inspirasyon niya ang kaniyang ama kung bakit siya pumasok sa showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-pansin ngayon sa social media ang dalagang anak ng aktor na si Lito Lapid dahil sa mala-dyosa diumano nitong kagandahan.

Nalaman ng KAMI na ang pangalan ng 19-anyos na anak ng dating senador ay Ysabel Ortega.

Anak siya ni Lito sa dati nitong asawa at dati ring aktres na si Michelle Ortega na ngayon ay Assistant Secretary na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nagsimula si Ysabel bilang artista noong 16-anyos pa lamang siya. Sa isang panayam sa DZMM, ibinahagi niya ang unang role na kaniyang ginampanan.

Ayon sa magandang dilag, napaka-challenging daw ng kaniyang unang role dahil kinailangan niyang umarte na parang isang 24-anyos na lasenggera.

Bagama’t hindi pa niya nararanasan ang nasabing role noon, nagpasalamat siya sa kaniyang mga naka-trabaho dahil matiyagang inalalayan at tinuruan siya ng mga ito.

Pagdating sa relasyon ni Ysabel sa kaniyang ama na ngayon ay isa sa mga bida sa “Ang Probinsyano,” sinabi ng dalaga na “very close” sila nito.

Hindi rin daw nagtatanim ng sama ng loob si Ysabel kahit pa naputol na ang kanilang komunikasyon ng kaniyang ama.

Ibinahagi niya rin kung gaano niya kamahal si Lito at kung anong klaseng inspirasyon ang idinudulot ng influential na ama sa kanya.

“He’s one of the reasons why I joined showbiz because I look up to him. He’s one of my role models and I’m very proud to have him as my father,” pag-amin ng dalaga.

Kahit pa tinitingalang artista ang kaniyang ama, hindi naman daw ginagamit ni Ysabel ang kasikatan ni Lito Lapid upang gumawa ng pangalan sa showbiz.

Kasalukuyan siyang inaalagaan ng kaniyang manager na si Ogie Diaz at matiyagang lumalahok sa mga workshops upang mas lalo pang matuto.

Bukod sa pag-arte, marami pa diumanong hilig si Ysabel kabilang na ang pag-awit. Nakahiligan niya na din ang fashion at photography.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, naging emosyonal ang teen actress habang pinapanood ang kaniyang ina na ikinakasal sa bago nitong kinakasama na si Gregorio Pimentel.

Mapapanood ang nakabibighaning ganda ni Ysabel tuwing weekdays sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel