Level up si kuya! Lalaki, kotse ang gamit sa paglalako ng pandesal

Level up si kuya! Lalaki, kotse ang gamit sa paglalako ng pandesal

- Kotse ang ginagamit paglalako ng tinapay ng lalaking nakilalang si Rey Domen

- Namamangha naman ang mga suki ni Rhey na taga Tanza Cavite

- Nakaka-good vibes daw talaga sa umaga na makitang naglalako si Rhey gamit ang kotse

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi siya naglalakad, hindi rin naka-bisikleta o motorsiklo, kotse ang gamit ng nagtitinapay na nakilalang si Rhey Domen.

Nalaman ng KAMI na taga Tanza Cavite si Rhey at uma-umagang naglalako ng pandesal sa kanilang lugar.

Kahit pa may busina na ang kotse niya,gumagamit pa rin siya ng parang maliit na torotot na gamit kadalasan ng ibang nagtitinapay para makahikayat ng mga mamimili at para malaman na tinapay pa rin anag kanyang nilalako.

Disyembre lamang daw ng nakaraang taon nang magsimula siyang maglako ng tinapay gamit ang kotse.

Di na raw kasi kasya sa motorsiklo ang mga paninda niyang tinapay.

Sa panayam kay Rey ng GMA news, sa kapatid niya pala nakapangalan ang kotse at binigay na daw ito kay Rhey.

Masaya raw sa pakiramdam na ginagawa ito ni Rhey dahil sa nagugulat daw ang kanyang mga customer at natutuwang makita siyang naka-kotse sa pagtitinda.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

How Do You Say. Cheers In Filipino? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel