Netizens, kinilabutan sa galing ng estudyanteng ala-Regine Velasquez ang boses

Netizens, kinilabutan sa galing ng estudyanteng ala-Regine Velasquez ang boses

- Viral ang video ng estudyanteng si Eljay Villafuerte na kaboses ni Regine Velasquez

- Aakalain mong lip sync ang video ngunit sadyang mahusay umawit si Eljay

- Umani na ng halos 1 milyong views at libo libong shares ang kanyang video

Aakalain mo raw na lip sync ang pagkakanta ng estudyanteng si Eljay Villafuerte na kantang "Pangarap ko ang ibigin ka" ng nag-iisang Asia's songbird, Regine Velasquez.

Nalaman ng KAMI na mag-eensayo lamang daw dapat ng sayaw sina Eljay hanggang sa naisipan nilang magkakaibigan na pakantahin siya at i-video ito.

Umabot na sa isang milyong views ang video ng estudyanteng tubong Candelaria, Quezon.

Napanganga talaga ang mga netizens na nakapanood ng kanyang video sa galing ni Eljay.

Akala pa nga ng iba, lip sync lamang ito dahil kaboses talaga nito ang Asia's songbird.

Narito ang ilang komento at reaksyon ng mga netizens:

"galing nmn po talaga eh"

" I can see your voice muna para sa surprise factor, tapos TNT, and then ASAP or Showtime para masaya"

"Ibang klase, ang husay grabe!"

"kala mo lipsync lang e. tunay pala galing grabe!"

Samantala, umaasa si Eljay na mapansin ng kanyang iniidolong si Regine Velasquez ang kanyang video dahil gusto niya rin itong maka-duet balang araw.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

How Do You Say. Cheers In Filipino? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel