Ogie Diaz, hindi sinukuan ang bunso na ipinanganak na pre-mature

Ogie Diaz, hindi sinukuan ang bunso na ipinanganak na pre-mature

- Marami ang naantig sa Facebook post ni Ogie Diaz

- Ibinahagi niya ang pinagdaanan ng kanyang bunsong anak na ipinanganak na premature

- Ayon pa sa kanya, anim na buwan lang ito sa tiyan ng kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinakilala ni Ogie Diaz ang kanyang bunsong anak na pinangalanan nilang si Meerah Khel. Siya ay ipinanganak na premature.

Ayon pa sa aktor, tumagal lang siya ng anim na buwan sa tiyan ng kanyang asawa at isang dangkal lang ang laki niya. Tumagal sila ng apat na buwan sa ospital at may ilang aparato din ang ikinabit sa katawan niya.

Nakita niya kung paanong lumaban ang anak niya kaya naman hindi rin daw sumuko sila ng kanyang asawa.

Maituturing daw niyang himala ang buhay ng kanyang anak.

Kilala nyo ba ang batang ito na ipinanganak nung Feb. 9, 2017? Premature baby, 680 grams lang na nagtagal sa tiyan ng mama niya nang anim na buwan lang.

Isang dangkal lang ang laki. Apat na buwang nakatira sa ospital at ilan din yung nakakabit na aparato sa katawan niya na nagsilbing jumping rope niya sa loob ng incubator.

Pero ang bata mismo, kapansin-pansin sa araw-araw, hindi sumusuko. Lumalaban, kaya hindi rin sumuko ang mama’t daddy niya at ang mga doktor sa Delgado Hospital, kasama ang dasal ng mga nagmamahal sa kanya.

Ngayon, anlayo na rin ng narating ng mga pagsubok na dinaanan niya para lang makita niya ang ganda ng mundo kahit magulo.
Yung araw-araw na paglakas niya? Himala at ginto ang turing ng kanyang mama at daddy.

Kaya gusto kong ipakilala sa inyo ang 5th daughter at bunso kong nakipagpatintero sa buhay na tulad ng kanyang pangalan, yun din ang inasam naming lahat at salamat sa Diyos, ibinigay naman Niya— si Meerah Khel.

Si Ogie Diaz o si Roger Díaz-Pandaan sa totoong buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. May limang anak siya sa kanyang partner na si Georgette del Rosario. Naging manager siya ni Vice Ganda sa loob ng apat na taon at kasalukuyang manager ni Liza Soberano.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Famous celebrities who are awfully affected by the merciless wildfire in California

Famous celebrities who are awfully affected by the merciless wildfire in California

Famous celebrities who are awfully affected by the merciless wildfire in California
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel