Nakakabilib! Wowie de Guzman, nagsuot din ng costume upang suportahan ang anak

Nakakabilib! Wowie de Guzman, nagsuot din ng costume upang suportahan ang anak

- Dalawang buwan matapos maisilang ang anak, pumanaw ang asawa ni Wowie de Guzman

- Gayunpaman, ibinuhos ni Wowie ang kanyang atensiyon at pagmamahal sa anak

- Bumuhos ang papuri sa aktor matapos niyang magsuot ng costume sa school program ng anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa marahil sa hinahangaan tungkol kay Wowie de Guzman ay ang kanyang pagiging ama. Pinalaki niya ang kanyang anak kahit maagang nawala ang kanyang asawa. Matatandaang namatay ang asawa niya isang buwan matapos magsilang sa kanilang anak.

Dalawang taon lang din sila nagsama at ikinasal noong taong 2013.

Lalong hinangaan ang aktor matapos makita ang kanyang pagbibigay halaga sa kanyang anak. Sa katunayan, nagsuot din siya ng costume para sa isang affair ng anak sa kanilang paaralan.

Marami sa mga netizens ang talaga namang bumilib sa pagiging mabuting ama ng aktor kahit mag-isa niyang tinataguyod ang anak. Nawala man ng maaga ang kanyang asawa, hindi niya pinabayaan ang anak at pinilit punan ang kulang dahil sa pagkawala ng asawa.

Emosyonal na binalikan ni Wowie ang pangyayari sa pamamagitan ng isang panayam.

Matapos ang halos apat na taon, napalaki ni Wowie ang kanilang anak na ayon sa kanya ay naging inspirasyon niya.

Wowie de Guzman chose to focus on his daughter than coming back to showbiz! He looks so happy with his choice

Ayon sa kanya, sa kabila ng nangyari masaya na rin siya na may naiwang alaala ang kanyang yumaong asawa.

“Ang pinakamaganda doon sa lahat, meron siyang iniwang alaala sa akin, sa pamilya namin. Doon nalang ako huhugot ng lakas ng loob, kasi ang dami naming pangarap para sa anak namin.”

Wowie de Guzman chose to focus on his daughter than coming back to showbiz! He looks so happy with his choice

Sa kanyang Instagram ay binabahagi ng aktor ang pictures ng kanyang cute na anak.

Sabi nga ng karamihan, kahanga-hanga si Wowie bilang ama na kahit ilang taon na ang nakalipas ay iginugol niya ang kanyang attensiyon at oras sa kanyang anak.

Si Wowie ay nakilala bilang kapareha ni Judy Ann Santos sa mga pelikula at teleserye noong dekada 90.

Isa din siya sa Universal Motion Dancer at naging isa sa pinakahinahangaang matinee idol.

Isang pagpupugay sa lahat ng huwarang ama kagay ni Wowie mula sa amin sa KAMI!

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel