Trip lang? Babaeng paakyat sa footbridge, sinaksan ng BBQ stick ng isang tambay

Trip lang? Babaeng paakyat sa footbridge, sinaksan ng BBQ stick ng isang tambay

- Nasaksak ng walang laban ang isang babae na tatawid lamang sa footbridge

- Nakuyog naman daw ang lalaki na nakilalang tambay sa lugar na siyang gumawa ng pananaksak

- Walang maibigay pang dahilan kung bakit ito nagawa ng suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakunan ng video ang nagawang biglang pananaksak ng isang tambay sa isang babae sa footbridge.

Ayon sa ABS-CBN news, sinabi ng mga testigo na bigla na lamang daw sinaksak ng nakilalang si Edmar Delibios, 24 anyos ang babaeng paakyat ng footbridge sa Banawe Quezon City.

Ayon pa sa isang nakasaksi na si Edna Tuldiog, bigla na lamang daw hinarang ng suspek ang babae at sa batok pa ito sinaksak ng barbecue stick.

Nalaman ng KAMI na naganap ang insente Agosto 24, bago mag alas-siyete ng umaga.

Kitang kita sa video ng netizen na si Christopher Wee Hong Teong ang di umano'y pagkuyog ng ilang katao sa suspek dahil na rin sa walang laban ang babaeng sinaksak nito.

Samantala, wala namang maibigay na motibo o dahilan ang magkabilang panig kung bakit ito nagawa ng lalaki. Nang nadakip na si Delibios, tinanong muli ito kung ano ang dahilan at nang tanungin kung ito ba ay trip lamang, nagawa nitong tumango.

Haharap sa kasong attempted homicide si Delbios.

Dahil sa nangyari na ito, pinag-iingat na ang lahat lalo pa kung nagbibiyahe o naglalakd mag-isa. Laging maging alerto at maging mapagmasid sa mga taong nakapaligid dahil sa naglipa na talaga ang mga taong may masasamang loob.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel