Buti pa si ate! Netizens, humanga sa vendor na nahatakan ng motor ng MMDA

Buti pa si ate! Netizens, humanga sa vendor na nahatakan ng motor ng MMDA

- Di gaya ni 5-minutes girl, humingi agad ng dispensa ang vendor na nahatakan ng motor ng food stall niya

- Sinubukang humingi ng dispensa ng babae at nakiusap na huwag na lamang hatakin ang kanyang motor ngunit dapat pa rin nilang tupdin ang batas sa tamang pagpapark

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang video at di naiwasan ng mga netizens na ikumpara ito sa kontrobersyal na "5-minutes girl" na minsan nang gumawa ng ingay sa pakikipagtalo sa MMDA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi raw tulad ng nag-viral na si "5-minutes girl" na isa pa lang fiscal, mahinahon na kipag-usap ang isang babae na huwag na lamang hatakin ang kanyang motor na ginagamit niya sa kanyang food stall business.

Nalaman ng KAMI na "nag-cr" lang daw ang babae at "tinawag" daw siya ng tadhana kaya naman di raw ito kakayanin ng 5-minute rule bago maghatak ng sasakyan ang MMDA.

Tinanong pa ng babae kung si MMDA Commander Bong Nebrija kung pasok ba sa 5 minutes ang kanyang pag-cr. Bagay na dinaan na lamang nila sa kaunting biruan.

Pabirong sinabi pa ni Col. Nebrija na mayroon na silang "5 minutes girl" at huwag na itong dagdagan pa.

Agad din nag-sorry anng babae at humingi ng dispensa. Nakiusap din siya ng maayos na kung maaari ay huwag na lamang hatakin ang kanyang motor.

Kalaunan, maayos na sumunod ang babae na siyang hinangaan ng mga netizens. Di maiwasang naikumpara ito sa piskal na tinaguriang "5-minutes girl" na una nang naiulat ng KAMI.

Labis na hinangaan ng mga netizens ang pagpapakumbabang ginawa ng vendor na tila mas edukado pa raw ang ginawa kumpara sa piskal.

Narito ang ilan sa knialang mga reaksyon:

"Buti pa mahirap maayos makipag usap. Yung mga may pera at may pinag aralan sila pa yung walang mga asal. Ang yayabang pa kala mo sila ang batas na sinusunod. Tapos sa huli makiki usap at hihingi ng sorry...pwee! itong mga media naman mga bias! pag mhirap ka lantaran ang pag papakita sa mukha pero pag mayayaman tinatago ang mukha sa camera."

"ganito dpat marunong tumanggap ng pagkakamali nagsosorry at nagpakumbaba daig pa ng vendor ung fiscal na mayaman may pinag aralan!"

"ganyan dapat. hindi puro init ng ulo. pwedi naman makiusap pero sa sunod hindi na pwedi palusotin. kahit lumang palosot na NagCR (daw) at least nagpapaliwanag si ate. Democratic country parin tayo kahit anong mangyari. dapat 10mins policy pag nag-CR"

"Iyong medyo hindi mataas ang estado sa buhay, alam nya na lumabagbsiya sa batas. Siyempre dahil maabala at magastos ma tow ay talagang makikiusap. May hiya ang style nya pero hindi arogante at magaspang ang pangangatwiran.Ang mga edukado at mapera ay hindi ganito. Alam nila na bawal pero pipiliting makalusot pa rin."

"ahahaha.. sana ganyan lahat makiusap.. hindi sigawan.. hahahaha popoohh girl....galing trending to... hindi natakot ang nagvideo...yung 5mins girl takot ang nagvideo.... takot kc mayaman... ganun ba talaga.."

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel