Tigdas Hangin: Sintomas at treatment para sa baby at adulto

Tigdas Hangin: Sintomas at treatment para sa baby at adulto

-Alamin kung ano nga ba ang tigdas o tigdas hangin at saan maaring makuha ito

-Alamin kung ano nga ba ang mga sintomas nito sa mga sanggol o sa mga adulto

-Paano gagaling o makakaiwas sa tigdas o tigdas hangin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ano ang tigdas hangin?

German measles, o 'tigdas hangin' kung tawagin ay isang nakakahawang virus na nagdudulot ng rashes, pati na rin ng lagnat.

Ang tigdas hangin ay karaniwang edad 2 taon o pababa lamang ang nagkakaroon.

Ang sintomas ng tigdas hangin ay pagkakaroon ng rashes pagkatapos mawala ng lagnat, ngunit hindi magiging matamlay ang magkakaroon nito kapag wala ng lagnat.

Hindi man nakakabahala ang tigdas hangin, pero kapag dumapo ang sakit na ito sa isang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang, maaring ipanganak ito na may congenital rubella syndrome (CRS).

Sa katanuyan, kaya nga ginawa ang rubella vaccine ay para protektahan ang mga buntis laban sa impeksyong ito.

Simple lamang ang paggamot dito. Ang mga sintomas nito ay karaniwang nawawala matapos ang tatlong araw. Pero dapat masigurong painumin ang bata ng maraming tubig. Labis na pagpapahinga din ang dapat pati na rin ang gamot na aprubado ng doktor para sa lagnat.

Sa panahon ngayon, bihira na ang nagkakaroon ng rubella, meron nang bakuna laban dito. Ang bakuna ng rubella at karaniwang ibinibigay sa batang edad 12 hanggang 15 na buwan, at isa pa kapag nasa edad 4 at 6 taong gulang na ang bata.

Ngunit ano nga ba ang kaibahan nito sa 'tigdas'?

Ang 'tigdas' o measles ay dulot ng isang virus na ang tawag ay Morbillivirus paramyxovirus. Ang virus na ito ay nabubuhay sa mucous ng ilong at lalamunan ng taong may impeksyon

Maaaring magkaroon ng lagnat na may kasamang matigas na pag-ubo o magkaroon ng pulmonya. Kapag lumabas na ang rashes ng tigdas sa mukha o leeg ay di nawawala ang lagnat ng pasyente kundi mas tumataas pa ito.

Ang iba pang sintomas ay, pananakit at pamumula ng mga mata, sipon, maliit na puting spot na karaniwang nasa loob ng bibig, walang gana sa pagkain, pagkahapo, pananakit ng katawan, pagtatae at pagsusuka.

Mahabang pahinga at pagtulog ang kailangan ng magkakaroon nito. Painumin ng maraming tubig ang bata.

Tanggalin ang mga muta sa mata sa pamamagitan ng tubig na may konting asin. Diliman din ang kuwarto dahil sensitibo ang kanilang mata sa liwanag.

Kapag may ubo at plema, binibigyan ng doktor ng antibiotic at gamot ito.

Ito ay maaaring makahawa sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin na may taglay ng virus — isang sitwasyon ng maaaring mangyari kung may taong may tigdas na nasa paligid.

Seryoso ang sakit na tigdas dahil bukod sa komplikasyong hatid nito, ito ay nakamamatay. Ito ay maiiwasan lamang sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

Tigdas Hangin: Sintomas at treatment para sa baby at adulto

Photo source: Tigdas.info

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Mag-asawang nagbabakasyon, namangha nang may makitang tila pritong itlog sa dagat

Mag-asawang nagbabakasyon, namangha nang may makitang tila pritong itlog sa dagat

Mag-asawang nagbabakasyon, namangha nang may makitang tila pritong itlog sa dagat
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel