Kate Valdez masayang masaya na nakasama muli ang mga Encantadia co-stars

Kate Valdez masayang masaya na nakasama muli ang mga Encantadia co-stars

- Kamakailan nga ay nabalita ang debut ng Kapuso aktres na si Kate Valdez, na nakilalang husto na si Mira sa evening primetime series ng GMA-7 ang Encantadia

- Isang taon na ang nakalipas sa pinakahuling episode na nakita natin sya kasama ang kanyang mga kasamahan sa nasabing show

- Pero tila biglaang nag-reunion sila sa 18th birthday ni Kate na talaga namang inggrande, at masayang masaya ang celebrant na nakasamang muli sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na una naming nasagap sa PEP, nakasamang muli ni Kate Valdez ang kanyang mga dating kasamahan sa Encantadia sa kanyang napakagrandiosong debut.

Naging mini-reunion nga ang kakatapos lang na debut party ng Kapuso aktres, ayon na rin sa mga kuhang litrato sa party na naispatan ng KAMI sa Instagram accounts ng kasali sa nasabing okasyon.

Dumating sina Andre Paras, Ruru Madrid, at Migo Adecer na kasamahan nya sa Encantadia.

Nandoon din si Mikee Quintos na kasamahan din nya ngayon sa Onanay.

Ang anak naman nina Janice de Belen at John Estrada na gumanap na si Deshna sa Encantadia na si Inah de Belen ay dumating rin at mayroon pang sweet message para sa kaibigan.

Ani ni Inah:

"Just always know that I will be your 'ate' always and I’m just a text and call away. Love you!"

Hindi din na miss ni Sang'gre Danaya Sanya Lopez ang kaarawan ng kanyang hadia Mira, at nagbigay pa ito ng mahigpit na yakap.

Bukod sa kanila ay dumating din nag nakakabatang kapatid ni Angelica Dela Cruz na si Mika Dela Cruz at si Bruno Gabriel.

Kamakailang lang ay binalita namin ang nasabing grandiosong debut ni Kate Valdez.

Si Kate Valdez ay isa sa mga exclusive GMA Artists since 2015, na pinanganak noong August 21, 2000.

Naging kilala sya dahil sa pagganap sa papel ni Mira na dating ginampanan ni Yasmien Kurdi.

Ngayon, makikita sya sa evening primetime series ng Kapuso network ang Onanay, kung saan kasama nya ang dalawang bigating mga aktres na sina Superstar Nora Aunor at ang Primera Kontrabida Cherie Gil.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party

More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party

More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel