Netizen na nagmalasakit bumili ng nilalako ng PWD, nabatikos pa

Netizen na nagmalasakit bumili ng nilalako ng PWD, nabatikos pa

- Binahagi ng isang netizen kung paano niya natulungan ang isang PWD na naglalako ng upuan at lamesita sa halagang ₱35.00

- Dala raw ng awa, binili ng netizen ang nilalako nito at di na kinuha ang sukli sa ₱40.00 na kanyang binigay

- Imbis na hangaan, tila nabatikos pa ang pagtulong na ginawa ng netizen

Nagpost ang isang netizen sa pamamagitan ng facebook page na Matalinong Matsing kung paano niya tinulungan sa kanyang munting paraan ang isang lalaking di na makalakad.

Nalaman ng KAMI na bumili lamang daw ang lalaking ito at napansin nilang may itinitinda pala ito. Laking gulat ng netizen na halagang ₱35 lamang ang binebenta ng matanda na lamesita.

Sa awa raw ng netizen, binili niya ito at nagbigay ng ₱40 at di na kinuha pa ang sukli.

Sa post binigyang pugay pa ng netizen ang matanda na sa edad daw nito ay nagagawa pang maghanapbuhay para sa pamilya.

Ngunit, sa kabila ng pagtulong na ito ng netizen ay nabatikos pa rin siya sa kanyang ginawang pagtulong sa paraang makakaya niya.

Narito ang ilan sa mga komento sa nasabing post:

"Anong klasing tulong pinagsasabi mo na me sukli kang 5 pesos din kinuha nagpapatawa kba sa hitsura ng binili mo kahit 1hundred dka pa lugi jan kahoy kya yan. Sana dmo nlang sinabi ang price or bka naman masyado mong binarat c tatay at bka d marunong mag bilang c tatay me maibili lang ng pagkain kya ibinigay na sa tawag mo."

"Hays! Tao nga naman. Tumulong ka issue, magpost ka issue. Lahat nalang issue. Nakatira talaga tayo sa mundo ng paghuhusga! Wag nyo pong tignan kung magkano ang naitulong. Ang mahalaga bumili sya, nakatulong pa rin sya kahit hindi naman nya kailangan."

"What??40 pesos . Dpt hndi po na snabi ung amount na binili mo. Instead pnatuloy at pag pahingahin mo si tatay .. then find a way para mas matulungan mo sya not just for fincial . But anyway salute sayo tatay.."

"Sa halagang 35 napakamura yan, tapos sabihin mo hindi mona kinuha ang sukli, eh alangan naman na kunin mo pa ang limang pisong sukli,, kung intensyon mong makatulong kahit isang daan pa ang ibigay mo kay lolo para makatulong, kulang pa rin yon, kahit nga hindi mo na kunin ang lamesa eh, para maibinta nya pa sa iba."

"Nasaan Ang tulong dun?hnd ka nakatulong Kasi kinuha mo din nmn Yung lamesa ah...bumili ka hnd nag bigay..5 pesos..Anu mabibili SA 5 pesos na tip na pinagmalaki mo...iba Ang tulong SA bumili.."

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel