"Nagiging John Lloyd na siya ng buhay ko," Direk Cathy kay Daniel Padilla

"Nagiging John Lloyd na siya ng buhay ko," Direk Cathy kay Daniel Padilla

- May ibinunyag ang director ng bagong Star Cinema film na "The Hows of Us" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

- Sa nakalipas na mga panahon marami na ring mga movie projects ang ginawa ng Queen at King of Hearts na kasama ang direktor

- Kaya naman sa media day ng nasabing pelikula, noong August 22, Miyerkules, binahagi ni Direk Cathy ang kanyang karanasan kay DJ

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil na din sa maraming mga taon at ilang beses na ding nagkatrabaho sina Direk Cathry Garcia-Molina at ang reel at real loveteam na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nakabuo na ang tatlo ng pagkakaibigan.

At ang kanilang friendship ay lalong lumalalim sa paglipas ng panahon, kaya naman naibahagi ni Direk Cathy ang kanyang saloobin at damdamin sa aktor na si Daniel.

Una naming nabalitaan ito sa Facebook page ng ABS-CBN Film Production Star Cinema na nagtrending ng husto.

Ayon sa nalaman ng KAMI, sinabi ni Direk Cathy sa media day ng kanilang pelikulang "The Hows of Us" na kino-consider niya si Daniel Padilla bilang substitute kay John Lloyd Cruz.

Ang huli ay kilala bilang isa sa pinakamatalik nyang kaibigan sa showbiz.

Pagbahagi pa ni Direk Cathy Garcia-Molina:

"Si Daniel, nagiging John Lloyd na siya ng buhay ko. Nakakaaway ko na siya."

Dagdag pa ng box-office director, na nagkaroon na sya ng malakas na attachment sa kanyang mga kaibigan at nagiging sensitive na siya sa lahat ng bagay na ginagawa at hindi ginagawa nila.

Paliwanag pa ng director:

“Grabe ‘yung attachment ko sa friends ko, eh… The closer you get to a person, mas nag-aaway na kayo. Mas nagkakaroon ng dahilan mag-away, kasi nga hindi na trabaho lang, nagiging personal."
“So nasasaktan na niya ako, nasasaktan ko na siya. Kasi kung trabaho lang, pakialam ko sa kanya?”

Pero tila hindi ito nagustuhan ng ibang mga John Lloyd fans na nagkomento sa Facebook post ng Star Cinema tungkol dito:

"Nko nman. Ang layo nman ni dj at loydi. Marami png kkainin na bigas para maging loydi si dj. Sikat si loydi. Kng itapat si dj. Kya congratz.."
"First sabi niya c Enrique parang john Lloyd na kahit anong itambal sa kanya,,,ngayon naman Daniel eh c kathryn lang nkapareha niya eversince,ano ba talaga....sobra na ang promotion ng movie nila..."
"John lloyd is johnlloyd"
"Mas magaling c jl at natural d korni"

Na tinugunan naman ng ibang fans:

"Sa buhay ni direk cathy hndi nman sa pag acting sa movie.."
"Ganda talaga ng relationship ng Kathniel at Dirik Cathy.Laki kc ng naitulong ni direk sa dalawa.Isa kc sya sa magagaling n direktor n noalabas ang galing sa pag arte ng dalawa.Kya nakakaexcite n mapanood ang THOU.Tyak n my kakaiba n nman tayong mapapanood aa tandem nila."
"Yun namaan pala eh!.,hindi namaan pinalitan c john llyod,ang OA nio mag-react.,., :D I Love Daniel!.,"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel