Uwian na! Netizens, napanganga sa galing ng 'Morissette Amon "Male" Version'!

Uwian na! Netizens, napanganga sa galing ng 'Morissette Amon "Male" Version'!

- Gamit ang isang sampler karaoke sa isang appliance store, kumanta si Kevin J. Traqueña na may nakagugulat na boses na hindi inakala na manggagaling sa kanya

- Habang chini-cheer ng mga kabarkada, todo birit si kuya sa pagkanta ng "Akin Ka Na Lang" ni Morissette Amon

- Maraming netizens ang napahanga sa kanyang galing sa pagkanta sa video na kinunan ng kaibigan niya na si Maricar Nopuente Lim

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon ang isang lalaki na si Kevin J. Traqueña sa kanyang nakabibilib na pagkanta ng cover ng "Akin Ka Na Lang" ni Morissette Amon. Bosesan kung bosesan ang naging labanan dahil sa kanyang pang birit queen na boses.

Nalaman ng KAMI mula sa isang viral post ni Maricar Nopuente Lim, proud na proud siya sa kanyang kaibigan na talagang pang-malakasan ang boses at biritan nito.

Makikita sa video na nasa loob siya ng isang mall sa Alabang, kung saan ay kumakanta siya sa loob ng isang appliances store.

Bilang siya ang naatasang bumirit ng nasabing kanta, kinunan siya ng video ng kanyang kaibigan habang kumakanta ng Akin Ka Na Lang.

Tinamaan niya ang lahat ng nota ng kanta at talagang naitawid at naibirit ang lahat ng matataas na bahagi ng nasabing kanta, hanggang dulo.

Sobrang daming netizens ang natuwa dahil sa kanyang pagkanta. Panoorin sa baba ang nasabing video:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today Filipinos will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel