Paulo Avelino, inamin ang mabigat na rason kung bakit nais nang umalis sa showbiz

Paulo Avelino, inamin ang mabigat na rason kung bakit nais nang umalis sa showbiz

- Isiniwalat ni Paulo Avelino ang dahilan kung bakit nais niya nang umalis sa showbiz

- Sinabi nito na mas gusto niyang gumawa ng mga projects hindi lang dahil sa instensyon na maging blockbuster ito

- Nais niya din daw na alamin ang tunay na priorities niya sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapang na ibinunyag ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino ang kaniyang kagustuhan na magretiro na sa showbiz industry.

Nalaman ng KAMI na naganap ang pag-amin sa press conference ng kaniyang bagong pelikula na Goyo: Ang Batang Heneral.

“I am very grateful to the people who help me rise not just as an artist but also as a celebrity. I'll always be grateful,” sabi niya.

“But it comes to a point when you get to realize na parang gusto ko nang magpahinga talaga,” dagdag pa niya.

Isiniwalat ng 30-anyos na aktor ang mabigat na rason kung bakit intensyon niyang umawat na sa pagiging isang artista.

Ayon sa kanya, mahirap sa kalooban na hindi niya nagagawa ang mga pelikulang gusto sana niyang gawin.

“I think, hindi dahil sa akin, pero ang hirap na hindi ko nagagawa ang mga gusto kong gawing pelikula kesyo ganito, kesyo ganyan,” pag-amin ni Paulo.

“Parang gusto kong gumawa ng pelikula at projects at my own pace. Hindi yung kailangan kong gumawa ng pelikula dahil kailangan kong gumawa ng blockbuster hit or kailangan ng ganito,” giit pa niya.

Paliwanag ng Bridges of Love star, kung nagagawa niya lang daw sana ang mga pelikula at proyekto na gusto niya, mas lalo niya pang matutulungan ang industriya ng showbiz.

“Parang hindi lang para mag-grow ako as a person, but also to help the film industry or the people in the industry,” sabi niya.

Hindi naman nagdalawang-isip ang aktor na isiwalat ang mga pagkakapareho nila ng karakter nitong si Goyo sa totoong buhay.

Aniya, katulad ni Goyo, kailangan na daw isipin kung ano ang mga dapat i-prioritize dahil maikli lang ang buhay.

“Why do we keep doing things... parang we can't be distracted from what we really need to do or what we have to do, parang the bigger responsibilities in life,” saad ni Paulo.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, inamin din ng aktor na excited siya at kinakabahan habang ginagawa ang bagong movie. Ibinunyag din niya ang ilan sa mga nakaka-intrigang parte ng pelikula.

Si Paulo, o Michael Lingbanan Avelino sa totoong buhay, ay isinilang sa Baguio City. Kinilala ito bilang "Prince of Philippine Teleserye" at nagwagi ng Gawad Urian Award Best Actor para sa pelikulang, Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel