Nakakalungkot na balita, Mommy ni Marlo Mortel, pumanaw na

Nakakalungkot na balita, Mommy ni Marlo Mortel, pumanaw na

- Isang napakalungkot na balita ang dumating sa pamilya Kapamilya star na si Marlo Mortel kani-kanilang

- Ginamit ng aktor at singer ang kanyang social media account para ipaalam ang nakakapanlumo na pangyayari sa buhay nya

- Pagkatapos makipaglaban ang ina nya sa sakit na cancer ay bumitaw na ito, at ito ay binahagi ni Marlo sa kanyang Instagram account isang oras pa lang ang nakakaraan sa pagsulat nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala ng mas masakit pa sa mawalan ng minamahal pero mas lalong masakit kung ang babaeng nagpanganak, nag-aruga, at nagmahal sa iyo ang syang mamamaalam.

Parang kailan lang ng nakikita natin ang mommy ng Kapamilya aktor at singer na si Marlo Mortel na lumalaban sa buhay at nakangiti pa rin kahit anong sakit at hirap ang pinagdadaanan.

Kaya naman lumalaban din ang anak para sa buhay ng inang nagbigay buhay sa kanya.

Subalit, sa hindi inaasahang panahon ay bumitiw na ang ina ni Marlo Mortel.

Naging mapagbigay naman ang aktor at singer dahil kahit gaano kasakit ang pinagdadaanan nya ngayon ay binahagi pa rin nya ang napakalungkot na balita sa mga tao ding nagbigay lakas, inspirasyon, at pag-asa para lumaban at sa hirap ng agos ng buhay na pinagdaanan.

Naispatan ng KAMI ang napakasakit at nakakalungkot na Instagram post ni Marlo Mortel na isang larawan kasama ang nakangiting ina na may nakakaiyak na caption.

Ani ni Marlo:

"Mommy. I can’t believe this is happening. I’m in so much pain. I don’t want to, but I have to let you go. All you ever did was love me and take care of me. I’m sorry for all my shortcomings but thank you for fighting, until your last breath you waited for me. You were almost gone the other night but when I kept on talking to you, you responded and was able to stay with us for 2 more days. We were able to say our goodbyes. But this isn’t goodbye, I know you’re watching over us now. Kahit mahirap, kakayanin namin to ni daddy. Sobrang hirap ng pinagdaanan mo and you may rest now. My love for you is never ending. Si Jesus na ang bahala sayo at sa amin ni daddy. MAHAL NA MAHAL KITA."

Bumuhos ang mga nakikiramay na mga tagahanga, tagasuporta, at iba pang mga tao sa naturang post ni Marlo.

Nakikiramay din ang aming grupo kay Marlo Mortel at sa pamilya nito.

Kamakailan lang ay binalita namin dito ang pagbisita ni Morisette Amon sa mommy ni Marlo Mortel, at sa isang iglap lang, ay ito ang nakakalungkot na balita na aming natanggap.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party

More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party

More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel