Diego Gutierrez, anak ni Lotlot de Leon, suportado ang mommy sa pagpapakasal

Diego Gutierrez, anak ni Lotlot de Leon, suportado ang mommy sa pagpapakasal

- Kamakailan lang ay nag-guest ang mag-inang Lotlot de Leon at Diego Gutierrez, ang lalaking anak ng aktres sa dating mister na si Monching Gutierrez, sa Sarap Diva ni Asia's Songbird

- Dito ay pinahayag ng kakagraduate lang na binatang anak ni Lotlot ang ang pagsuporta nya sa kanyang mommy sa plano nitong pagpapakasal

- Binahagi din ni Diego kung paano nila ito nalaman at nagbigay pa ang binata ng napakasweet at touching message sa batikan at beteranong aktres na ina nya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naispatan naman ang napakagandang kwento ng pagsuport ni Diego Gutierrez sa planong pagpapakasal ng ina na si Lotlot de Leon sa bagong iniibig nito sa GMA News Online.

Dito nalaman ng KAMI na bumisita pa la ang mag-ina sa show ng Asia's Songbird Regine Velasquez.

Sa naturang panayam ni Regine sa mag-inang Diego at Lotlot ay naitanong nito ang tungkol sa engagement.

Agad naman itong sinagot ng binata na nagmessage daw ang kanilang mommy sa group chat nila at sinabing nagsend ng message ang ina sa kanila.

Ani pa daw ni Lotlot sa group chat nila:

"Hi kids! I have to tell you something. Fred proposed na."

May sweet pa na pahabol na message si Diego sa mommy niya.

Saad pa ng binata:

"Mama, I just wanna say, 'I'm so happy for you. You know, all your life you've sacrificed for all of us, your children, and you did anything for us to be happy. And now, it's your turn to be happy naman with Fred, and we're so happy for you, and we can't wait for the big day. And you deserve all the happiness in the world ma. I love you!"

Una na naming binalita ang tungkol sa engagement ni Lotlot de Leon sa Lebanese businessman na si Fred o Fadi El Soury noong unang buwan.

Isa sa Lotlot de Leon sa mga kilalang aktres sa pinalakang tabing na gumraduate sa 'That's Entertainment,' at nakagawa ng maraming sikat na pelikula at shows.

Anak sya ng mga batikan at beteranong mga artista na sina Superstar Nora Aunor at Best Actor Christopher de Leon.

Napangasawa ang kanyang ka loveteam, ang matinee idol na galing din sa parehong show ni Kuya Germs na si Ramon Christopher Gutierrez o mas kilala sa showbiz bilang si Monching.

Gayunpaman, maganda naman ang relasyon ng dalawa na kamakailan lang ay naispatan na nagsama "Para sa anak!" sa graduation ni Diego na nabalita din namin.

Pero noong 2010, naghiwalay na sila, at ngayon, ang kanilang magandang dalagang anak na si Janine Gutierrez ay isa na rin sa mga paboritong aktres sa Kapuso network.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel