Hulicam ang magbarkadang lalaki na mga holdaper pala sa jeep, isa sa kanila menor de edad pa!

Hulicam ang magbarkadang lalaki na mga holdaper pala sa jeep, isa sa kanila menor de edad pa!

- Tila mga ninja sa bilis kung gumalaw ang mga suspek ng panghoholdap sa loob ng isang jeep sa Sta. Mesa, Maynila

- Mabilis man silang nakatakas, pero dahil sa mga naka-install na cctv sa paligid ay agad namang nadakip ang 2 lalaki

- Arestado ang isa sa kanila na 18 taong gulang na, habang ang isa naman ay itu-turn over sa DSWD dahil sa siya ay 17 pa lang at gumagamit ng droga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tiklo ang dalawang batang lalaki na nangholdap sa isang babae sa loob ng jeep. Sa bilis ng kanilang mga galaw at makalabas mula sa jeep, humarurot ang dalawa sa pagtakbo na inakala nilang matatakasan na nila ang nasabing insidente.

Nalaman ng KAMI na naganap ang nasabing holdapan sa Sta. Mesa, Maynila, sa kahabaan ng Ramon Magsaysay na kuhang-kuha naman ng mga naka-install na CCTV sa paligid.

Dalawang batang lalaki ang sangkot sa krimen, ang isa ay nakaputi habang nakasuot naman ng itim na jacket ang isang lalaki.

Nakatakbo ang dalawa bago pa man makahingi ng saklolo ang biktima.

Inakala ng dalawa na nakatakas na sila at walang nakapansin sa kanilang mga kilos, hinabol at dinakip naman sila agad ng mga awtoridad dahil sa mga kuha ng CCTV footage nang kanilang panghoholdap sa biktima.

Lumiko ang dalawa patungong dela Fuente kung saan ay naghiwalay sila ng pagtataguan. Ang isa ay tumatakbo habang hinuhubad ang kanyang kasuotang itim na jacket, na sa ilalim ay may pulang t shirt upang hindi siya mahalata.

Ang isa naman ay nakibagay naman sa kanyang paligid na tila ay walang nangyari. Hindi lang nila alam na hagip ng mga CCTV ang kanilang pagtakas.

Nang mahuli ang dalawa, agad namang dinala ang mga ito sa presinto at agad na nalaman na ang isa sa kanila ay menor de edad nang sabihing 17 taong gulang pa lang siya.

Aminado naman sila na gumagamit sila ng ipinagbabawal na gamot, kung kaya ang isa na 18 taong gulang na college student, ay i-aaresto ng pulisya at ang isang kasama ay dadalhin sa DSWD.

Ipinahayag na rin ng Manila Police District (MPD) Sta. Mesa na hindi na ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang dalawa sa nasabing krimen.

Inakala in ng biktima na umano'y joke lang daw ang ginagawa ng 2 lalaki ngunit nang maglabas na sila ng baril ay aniya, hindi na raw siya nagpaliguy-ligoy sa pag-abot sa kanila ang hinihingi.

Panoorin ang ulat mula sa GMA News:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today Filipinos will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel