Higit 600 inmates, matagumpay na nagtapos ng iba't-ibang kurso

Higit 600 inmates, matagumpay na nagtapos ng iba't-ibang kurso

-Iba't-ibang kurso ang matagumpay na tinapos ng mahigit 600 inmates ng Manila City Jail

-Dumalo ang mga preso sa kanilang graduation noong Huwebes

-Ito ay sa ilalim ng Alternative Learning System ng Department of Education

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang nagtapos ang mahigit 600 preso ng Manila City Jail. Naka-graduate sa kanilang mga kinuhang vocational courses ang mga inmates.

Sa isang simpleng graduation ceremony, dumalo ang 617 na preso na nagtapos sa ilalim ng Alternative Learning System ng Department of education na ginanap nitong Huwebes.

Ang seremonya ay ginanap sa mismong loob ng Manila City Jail.

Ang tema ng graduation ay "Bringing the Mountain to Mohammed" o Eskwela sa Bawat Brigada dahil bawat brigada sa City Jail ay may enrollees sa ALS.

Kabilang sa mga kursong alok para sa inmates ang "hilot and wellness" kung saan tinuruan ang mga ito na magmasahe o manghilot, gayundin ang kursong tile setting at pastry and bread making.

Layon ng programang maturuan ang mga inmates ng mga skills na maaari nilang magamit paglaya mula sa pagkakabilanggo.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

You’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing it. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on KAMI HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Fact check: Can a victim of bullying get financial compensation?

Fact check: Can a victim of bullying get financial compensation?

Fact check: Can a victim of bullying get financial compensation?
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel