Mastermind daw?! Mister ng misis at 1-anyos na anak na minartilyo, itinurong utak sa krimen

Mastermind daw?! Mister ng misis at 1-anyos na anak na minartilyo, itinurong utak sa krimen

- Muling kakasuhan sa ikalawang pagkakataon si Richard Sta. Ana sa pagturo ng mga kasama nya sa kanya bilang mastermind sa pagpatay sa mag-ina niya

- Matapos madakip ng pulisya ang ikalawang suspek na si Brian Avestado, ibabase raw ng pulisya ang bagong reklamo sa ebidensyang nakalap nila mula sa mga suspek

- Inaalam na rin ngayon ng pulisya sa Bureau of Immigration kung nakalabas na sa bansa o hindi si Sta. Ana, matapos itong mapawalang-sala ng korte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang noo'y napawalang-sala ng korte na si Richard Sta. Ana ay muling haharapin ang panibagong kaso na nagtuturo sa kanya bilang mastermind sa pagkamatay ng kanyang mag-ina na sina Pearl at 1 taong gulang na anak na si Denzel.

Sa bagong ebidensyang nakalap, nalaman ng KAMI na mayroon pa palang bagong suspek na nadakip ang pulisya dahil na mas maaaring maidiin si Sta. Ana bilang mastermind sa likod ng krimen.

Sa bisa ng isang warrant of arrest, nadakip ng CALABARZON Police si Brian Avestado. Ayon pa kay PNP Regional Director (CALABARZON), sa ebidensya raw i-aayon ang reklamo laban sa padre de pamilya ng mga nasawi.

Matatandaan din na noong taong 2016, sumuko sa kamay ng mga awtoridad si Ramoncito Galo na naunang itinuro si Richard bilang mastermind.

Ayon sa kanya, si Sta. Ana rin daw ang nagbigay sa kanila ng pinekeng ID at job order bilang technicians umano na mag-aayos ng WiFi sa kanilang bahay, pagkakataon umano upang pasukin ito at isagawa ang krimen.

Dagdag pa ni Galo, itinali nila at dinala sa banyo si Pearl na doon pinagpapalo ng martilyo saka isinunod si Denzel na 1 taong gulang.

Sa kabila ng pagtestigo ni Galo, hindi naging kumbinsido ang korte sa kanyang testimonya at tuluyang napawalang-sala si Sta. Ana.

Samantala, nakikipag-ugnayan naman ang pulisya ngayon sa Bureau of Immigration upang malaman kung umalis ng bansa si Sta. Ana, habang pinasusuko na rin ng ina ni Pearl na si Helen Bon si Sta. Ana.

Panoorin ang buong ulat ng Balitanghali GMA News:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today Filipinos will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel