Ama na nakapagpatapos ng 3 anak, graduate na rin sa edad na 48

Ama na nakapagpatapos ng 3 anak, graduate na rin sa edad na 48

- Nakaka-inspire ang kwento ng isang ama na sinikap pa ring makatapos sa edad na 48

- 4 ang anak ni Jun Impas, at 3 dito at nakatapos na rin ng kolehiyo

- Dala raw ng kahirapan kaya naman di niya natapos ang pag-aaral sa edad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"It's better late than never!"

Ito ang tila ba ay motto ng isang ama na si Florentino "Jun" Impas Jr. Nakapag-asawa at nagkaroon ng 4 na anak si Jun, di pa siya noon nakatapos ng kolehiyo.

Nalaman ng KAMI na dahil sa galing at husay na man niya bilang artist, nagawa niyang itaguyod ang kanyang pamilya.

Tatay na nakapagpatapos na ng 3 anak, graduate na rin sa edad na 48

source: supplied

Katunayan, napagtapos na niya ang 3 sa 4 niyang mga anak dala ng pagsusumikap at diskarte sa buhay.

Samantala, Di tumigil si Jun sa pangarap niyang magkaroon pa rin ng diploma. Sa edad na 48, nagtapos siya ng Bachelor of Fine Arts major in Painting sa University of Santo Tomas taong kasalukuyan.

Di lang siya basta nagtapos, nakatanggap din siya ng Thesis Award of Merit.

Tatay na nakapagpatapos na ng 3 anak, graduate na rin sa edad na 48

source: supplied

Walang pagsidlan ng kaligayahan si Jun. Labis ang pasasalamat niya sa kanyang pamilya na kaagapay niya sa pagkamit niya ng kanyang diploma sa pagiging isang pintor. Gayundin sa mga naging guro niya at nakasama sa panahong nag-aral siya sa UST.

Tunay na lahat ng bagay ay aayon sa tamang panahon. Maaring di nakapagtapos si Jun noong kabataan pa niya, Ngunit, nasisiguro naman niya na ito ang tamang oras upang makamit niya ang minimithing tagumpay.

Tatay na nakapagpatapos na ng 3 anak, graduate na rin sa edad na 48

source: supplied

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team. Funny Tricky Questions Tagalog: Best moments | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
SUV na may plakang no. 8 mula sa viral video, nag-iba na raw ang kulay

SUV na may plakang no. 8 mula sa viral video, nag-iba na raw ang kulay

SUV na may plakang no. 8 mula sa viral video, nag-iba na raw ang kulay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel