Nag-sorry ang school admin na nagsunog ng mga bag ng 14 na estudyante sa Bicol Central Academy

Nag-sorry ang school admin na nagsunog ng mga bag ng 14 na estudyante sa Bicol Central Academy

- Humingi ng tawad si Bicol Central Academy (BCA) Administrator Alexander James Jaucian sa mga magulang na dumalo sa diyalogo na idinaos kasama ang DepEd Bicol nitong Miyerkules

- Nalaman sa ginawang fact-finding investigation ng DepEd na marami pa raw nanggaling sa malalayong lugar kung kaya't may mga bag na dala sa kabila ng "No bag policy" ng school event

- Pinatawan na rin ng 90-day suspension si Jaucian at pinagbabayad din siya ng DepEd para sa mga nasirang kagamitan; maaari ring mawalan ng permit ang nasabing eskwelahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi ng tawad sa mga magulang ng grade school students na nasunugan ng mga gamit si Bicol Central Academy (BCA) Administrator Alexander James Jaucian. Ito ay naganap sa idinaos na diyalogo kasama ang DepEd Bicol.

Nalaman ng KAMI ang balita matapos itong lumabas sa malalaking pahayagan na kinumpirma ang nasbaing pagharap ni Jaucian sa mga magulang at opisyal ng DepEd Bicol Region.

"I just wanted to discipline our students but inaamin ko po that I did not exhibit maximum tolerance. Again, I'm very sorry." Ani James Jaucian na nagpakumbaba sa mga magulang.

Sang-ayon sa mga awtoridad ng eskwelahan, bahagi ng board member ang school administrator.

Sa naunang ulat ng KAMI, mapapanood sa video kung paano nangyari ang nasabing insidente sa pagitan ni Administrator Jaucian at mga mag-aaral.

Nagpatupad ang BCA ng 'No Bag Policy' para sa isang school event, ngunit dahil daw sa 'pagpapasaway' ng mga estudyante na nagdala pa rin ng bags ay nadala raw siya ng bugso ng damdamin at ipinasunog nito.

Makikita rin sa nasabing video na ipinila rin sila habang nakatayo at iniharap sa mga nasusunog na kagamitan. Sinermonan din niya ang Grade 12 Students at tinawag na 'tanga' o stupid habang malaks silang binulyawan.

Ipinahayag na rin ng DepEd na mali ang idamay ng school officials ang mga pribado o personal na pagmamay-ari sa pagpataw ng disiplina sa mga mag-aaral.

"Kapag involved na ay personal property, I think it's even beyond the school operations. The parents and community should take action on this, kasi nga meron ng personal property involved na damaged." Saad ni DepEd Usec. Analyn Sevil.

Sa isinagawa namang fact finding investigation ng DepEd Bicol, nalaman na may mga nagdala ng bags dahil sa malalayong pinanggalingan ng mga mag-aaral sa ika-12 baitang.

Nauna na ring ipinahayag ng DepEd, mula kay Sec. Leonor Briones na maaaring matanggalan ng permit to operate ang BCA sa oras na malamang may nilabag itong panuntunan. Maaari rin silang hindi na bigyan pa ng tulong pinansyal ng pamahalaan.

Panoorin ang buong report mula sa GMA News Balitanghali:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today Filipinos will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel