Mag-ingat! Bagong modus daw ng pagnanakaw sa Makati, isiniwalat

Mag-ingat! Bagong modus daw ng pagnanakaw sa Makati, isiniwalat

- Binahagi ng isang netizen ang bagong modus daw ng pagnanakaw sa Makati

- Nakunan pa raw ng larawan ang mga nambibiktima na madalas daw makita sa may baba ng PB com building sa Ayala Avenue

- Kung hindi susundan ang nag-withdraw, pag-"snatch" naman sa bag mismo ang ginagawa nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang nagbigay ng babala sa di umano'y bagong modus ng pagnanakaw sa Makati.

Ayon sa post ng facebook user na si Jackie Bratz, napapansain daw nila ang 3 babae at isang lalaki na araw-araw nakatambay sa baba ng PB com building sa Ayala avenue, Makati City.

Kwento pa ni Jackie, muntik na raw manakawan ng grupong ito ang kanyang workmate na naka-backpack. Buti na lamang daw at napalingon ang asawa ng workmate ni Jackie at di natuloy ang masamang motibo ng grupo.

Ang masama pa sa nangyari, nakipagtitigan pa raw ang grupo na animo'y naninindak pa sa mister ng muntik nang manakawan.

Nalaman ng KAMI na matapos ang insidente, nakita pa rin daw nina Jackie ang grupo. Lakas loob na nilang kinunan ng larawan ang mga pinagsusupetsahan na magnanakaw. Mapapansin na nagtakip na ng mukha ang lalaki.

Tinangka na rin daw nina Jackie na magsumbong sa pulis ngunit nakatakbo na raw agad ang grupo.

Samantala, labis na nag-alala ang mga netizens lalo na ang mga taga-Makati na alam ang sinasabing pinagtatambayang lugar ng mga pinaghihinalaang magnanakaw.

Galit naman ang reaksyon ng ibang netizens na kung totoo man daw ito, bakit di na lamang daw magtrabaho ang mga ito ng marangal.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Thanks dear i shared this one for awareness.. keep safe everyone"

"nako.. baka sila din yung kay *** db nawalan sya ng cp.. habang nag lalalkad sila nh jowa nya.. nakuha sa bag nya"

"Kakapal ng mukha! Di magsipagtrabaho, pashare ako nito"

"baka ito kumuha ng phone mo..."

"Hala baka sla din siguro unh tumira sa phone ni fajardo jan dw s pbcom.."

Mapapansin na marami din sa comment section ang may kwento na nawalan din daw ng cellphone sa parehong lugar kung saan nambibiktima ang grupo na ito.

Totoo man o hindi, maging alerto sa lahat ng oras at ibayong pag-iingat ang kinakailangan.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

As you know, we like to ask people we meet in the streets of the Philippines to answer our funny questions (Tagalog)! Funny Tricky Questions Tagalog: Best moments | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel