Mike Enriquez, inamin ang mabigat na dahilan kung bakit wala siya sa 24 Oras

Mike Enriquez, inamin ang mabigat na dahilan kung bakit wala siya sa 24 Oras

- Inamin na ng newscaster na si Mike Enriquez ang dahilan kung bakit ilang araw na siyang absent sa 24 Oras at iba pang shows

- Sinabi ni Mike na kasalukuyan siyang naka-medical leave

- Nakatakda diuamo siyang operahan sa puso sa darating na Setyembre

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isiniwalat ng Kapuso anchorman na si Mike Enriquez ang tunay na dahilan kung bakit wala ito sa programang 24 Oras at sa kaniyang mga radio shows.

Nalaman ng KAMI na malubha na pala ang pinagdadaanan ng broadcaster kaya’t kailangan na nitong sumailalim sa isang operasyon.

Inamin ni Mike sa pamamagitan ng isang video na kasalukuyang ginagamot ang kaniyang kidney kaya’t nag file muna ito ng medical leave.

“Ito po ay tugon sa dumadaming katanungan kung bakit matagal-tagal na akong wala sa mga programa sa radio at telebisyon na aking pinaglilikgkuran,” bungad ng anchorman.

“Ako po ay kasalukuyang naka-medical leave. Ginagamot ang aking kidney…” paliwanag niya.

Bukod pa dito, nakatakda din daw na operahan ang kaniyang puso sa Setyembre at pinayuhan siya ng doctor na magpahinga muna at magpalakas habang hinihintay ang nasabing panggagamot.

Sa kabila ng sitwasyon, hindi naman daw pinababayaan ni Mike ang kaniyang responsibilidad bilang Presidente ng RGMA Network Inc. at bilang Consultant for Radio ng GMA Network Inc.

Ibinunyag naman ng batikang haligi ng GMA news kung kelan siya posibleng makabalik sa kaniyang mga programa sa Kapuso network.

“Ayon sa aking mga doctor, makababalik ako sa aking normal na trabaho mga dalawa o apat na linggo matapos ang operasyon,” giit niya.

Nagpasalamat ang beteranong news anchor sa kaniyang mga taga-suporta at sa lahat ng nagdarasal para sa agaran niyang paggaling.

“Nagpapasalamat po ako sa mga nagpahayag ng suporta lalo na sa mga nagdarasal para sa aking paggaling. Magagaling at maalaga ang aking mga doctor at napakabait ng Poong Maykapal,” mensahe ni Mike.

“Babalik po ako!” buwelta pa ng media man.

Narito ang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nakatanggap ng maaanghang na salita ang Kapuso newscaster galing sa Bitag host na si Ben Tulfo tungkol sa pambabastos diumano nito sa kaniyang apelyido.

Si Mike, o Miguel Castro Enriquez sa tunay na buhay, ay isinilang noong Setyembre 29, 1951. Nagsimula ang kaniyang career sa media nang siya ay maging staff announcer sa Manila Broadcasting Company noong 1969.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel