Iya Villania, bakit nga ba fit na fit kahit kaka-panganak lang

Iya Villania, bakit nga ba fit na fit kahit kaka-panganak lang

-Usap-usapan ngayon ang panganganak ni Iya Villania sa kaniyang second child

-Nagulat din ang mga netizen sa work out video ni Iya kahit pa nga bunti na ito

-Pagkatapos manganak, nakita si Iya sa isang video na nakatayo at nakakin na ng tinola

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Hindi naging hadlang kay Kapuso Anchor, Iya Villania ang pagdadalang-tao upang maging fit at mag-work out pa rin.

Sa katunayan ilang videos ang in-upload ng Kapuso celebrity sa kanyang Instagram account na nagpapakita ng kanyang work out.

kabilang sa mga ito ay jogging, headstand, squats at kahit pa weightlifting anumani ng iba't-ibang reaksyon mula sa netizens.

Kung kaya naman, pagkatapos ipanganak ang kanyang second child na si baby Alonzo Leon V. Arellano, hindi na masyadong nahirapan si Iya na maka-recover.

Sa isang video sa IG account ni Drew Arellano, ang asawa ni Iya, makikita ang host/actress pagkatapos lamang ipanganak si baby Leon, ay nakakaupo at nakakain na ng tinola.

Biro pa ni Drew: "Parang si Manny Pacquiao."

Samantala, nauna ng naibalita ng KAMI, ang emosyonal na post ni Iya sa pagiging mom of two.

Sina Drew Arellano at Iya Villania ay kinasal noong 2014, at winelcome nila ang una nilang baby na si Primo noong August 30, 2016.

Ngayon, isinilang nila ang kanilang pangalawang anak na si Alonzo Leon ilang araw bago ang 2nd year birthday ni Primo.

POPULAR: Read more news about Drew Arellano here!

Tricky Questions: Can you translate this into English? This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language. -on Kami YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel