Lani Misalucha, naiyak habang nagbibigay payo kay Morisette Amon

Lani Misalucha, naiyak habang nagbibigay payo kay Morisette Amon

- Hindi na napigilan ni Lani Misalucha ang kanyang emosyon

- Labis na nagpapasalamat si Morisette Amon sa payo ni Lani

- Magcoconcert si Lani at Morisette sa Sept. 22 & 23

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napagalaman ng KAMI sa PEP.ph ang pagiging emosyonal ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha habang nagbibigay ng payo sa singer na si Morisette Amon na tinagurian bilang “Next Big Diva” ng Pilipinas.

Sa press conference ng nalalapit nilang concert na “A Lani Morisette” kahapon, Agosto 21, nagbahagi si Lani ng kanyang words of wisdom.

Ayon kay Lani, “Mayroon tayong mga priorities sa buhay. If you think that this is something that you want to do for the next several years, then do it because this is what you love.” 

“Kasi sa akin, iba yung naging priority ko talaga.

“Bago pa ako lumabas industry, iba na yung priority ko sa buhay.

“Yun na talaga ang inuna ko, which is to nurture my family.

“Kasi may pamilya na ako when I got into show business, so yun ang priority ko,” dagdag pa ng Asia’s Nightingale.

“Ang maganda dun, I am enjoying both worlds—my personal life, which is my family life; and my career.

“Ang maganda lang talaga dun, hindi ko talaga binulusok nang todo-todo.

“Kasi hindi maaaring may ma-sacrifice na isa, e. It's really good that I was able to balance both worlds.” ayon kay Lani.

Bilang single naman si Morisette sa ngayon, ang mapapayo na lang ni Lani ay, “Yung sa iyo, I don't think you're gonna... hindi mo siguro priority ang magkaroon ng relationship at this time, and I don't think anytime you're gonna get married dahil wala naman. So go ahead and i-mold mo pa ang iyong craft, ang iyong talent.”

“I'm telling you, you already are a very good artist and you're gonna go a long way.” dagdag niya pa.

“Never, never forget that... bakit nagka-crack ako?” pabirong tanong ni Lani at saka tumulo ang kanyang mga luha.

“Never forget that was given to you. God gave you that. All of our talents, all of our skills, were given to us from heaven, it was given to us. Anytime it can go away. It can be taken away from you in a snap. So you just got to be grateful and always acknowledge the one who gave you that. We have to be grateful all the time.”

Dagdag pa ng The Clash judge, "Especially you, especially now that you're travelling, you always have to ask for guidance and protection that you always have to be safe in everything that you do.”

“Hindi, kasi minsan nangyari na sa akin yun,” paliwanag ni Lani.

“Minsan kasi masyado na akong busy, alam mo yun, nalilimutan ko na. Nalilimutan ko na, 'Teka muna...'

“Alam mo yun, ganun talaga, minsan unti-unti ka nang lumalakad away from the one that you have to give priority to. Nangyayari yun, sana lang hindi dire-diretsong makalimot. Nangyari na kasi sa akin yun before, nakakahiya. Nakakahiya lang na hindi mo ma-acknowledge yung nagbigay sa atin ng biyaya.”

Samantala, nagpasalamat naman si Morissette sa mga payong binigay sa kanya ng kanyang idolo.

Aniya, “Yung nakikita po natin ngayon, just how she's able to manage her life and nakikita pa rin po natin yung passion niya, yung love niya for family, and how God-fearing she is,"

Dagdag pa ni Morisette, “She shows us right now how she values her relationship with God. If that's her priority, everything else will follow. Kaya grateful ako to be working with such an inspiring woman, na hindi lang napakagaling sa craft niya pero napakagaling din ibahagi yung life niya sa ibang tao, lalung-lalo na ang relationship niya with God.”

Ang kanilang concert na A Lani Morisette ay gaganapin sa The Theater at Solaire sa Septyembre 22 at 23, 2018.

Mapapanood naman si Lani Misalucha bawat Sabado at Linggo ng gabi bilang isang hurado sa palabas ng GMA na The Clash.

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel