Kris Bernal, NO driver and NO glam team kahit na bumida na sa mga teleserye

Kris Bernal, NO driver and NO glam team kahit na bumida na sa mga teleserye

-Kahit na bumida na sa mga teleserye, hindi daw kumuha ng driver at glam team ang Kapuso actress na si Kris Bernal

-Ito'y inamin niya sa pagbubukas ng kanyang bagong business, ang House of Gogi, isang unlimited Korean BBQ place sa 55 Dapitan Street, Sta. Mesa Heights, Banawe, Quezon City.

-Masayang naibahagi na rin ni Kris ang tungkol sa kanyang multi-million house and lot sa USA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Inamin ni Kris Bernal na tiniis niyang walang driver at glam team upang makapag-tipid. Ito ay sa kabila ng pagbida niya sa ilang teleserye ng GMA.

Sa isang katulad ni Kris, necessity na ang magkaroon ng driver at glam team dahil sa mahabang oras ng trabaho o kaya naman ay out of town tapings.

Ngunit ayon sa dalaga, tiniis at tinipid din niya ang sarili.

"Pag inipon mo kasi yun, its very expensive, e." ayon sa Kapuso actress.

"Hindi ko talaga ginagalaw, kung ano lang yung… siguro nakatulong yung time deposit. Sinave ko talaga. Nung nakaipon, dun ko na naisip na mag-invest na talaga." dagdag pa nito.

Sa loob daw ng mahigit isang dekada, inipon niya ang perang pinaghirapan mula sa pagta-trabaho sa showbiz.

"Hindi siya ano, na bigla na lang dumami ang pera ko. Hindi nila alam na sobrang tipid ko, as in ang dami kong tinipid at tiniis para lang mabili ko itong bahay, mapatayo ko itong House of Gogi, yung ganun." sinabi ni Kris.

Marami ang mai-inspire sa istoryang ito ni Kris lalo pa at nakabili na ito ng bahay sa USA dahil sa kasipagan at pagiging mautak sa paggastos.

POPULAR: Read more news about Kris Bernal here!

Tricky Questions: Can you translate this into English? This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language. -on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Angelica Panganiban at Carlo Aquino may relatable much na tanong sa mga ex

Angelica Panganiban at Carlo Aquino may relatable much na tanong sa mga ex

Angelica Panganiban at Carlo Aquino may relatable much na tanong sa mga ex
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel