Hot Mamas! 10 Celebrity mommies na nakakawindang ang kagandahan at kasexyhan

Hot Mamas! 10 Celebrity mommies na nakakawindang ang kagandahan at kasexyhan

Sa mundo ng showbiz kailangan mapanatili ng mga artista ang kanilang kisig, tindig, at hitsura bukod pa sa kanilang mga talento.

Pero sa realidad ng buhay ang mga paboritong artista natin ay kalaunan mag-aasawa din at tatanda at dahil dito ay inaasahan ang mga pagbabago sa kanilang mga katawan.

Subalit, mayroon pa rin tayong mga celebrity moms na tila kay dali lang ang pagmaintain ng magandang mukha at hubog ng katawan kahit nanganak na.

Heto ang listahan ng mga celebrity mommies na talaga namang ubod ng kasexyhan na una naming naispatan sa Manila Flash at orihinal na lumabas sa GMA News Online.

Dito sa KAMI ay iilista namin ang iilan sa kanila ulit at ang iba pang mga sikat na celebrity moms na pasok din dapat sa listahan.

1. Jennyyn Mercado

Wala ng makakaila pa na ang Kapuso aktres na si Jennylyn Mercado ay isa sa pinaka hot na mama sa showbiz.

Kitang kita naman ito kagaya ng magazine cover na shinare niya sa kanyang IG.

2. Maricar De Mesa

Aktibo sa gym si Maricar De Mesa kaya naman hindi na din nakapagtataka na maintain na maintain ang kanyang hubog ng katawan.

3. Marian Rivera

Kung kagandahan lang naman ang labanan, panalo na si Marian Rivera dito pero mas lalong palong palo ang beauty ng Kapuso Primetime Queen dahil sa kanyang katawan na parang walang batang lumabas.

4. Vina Morales

Fit na fit naman ang pretty diva ng ASAP na si Vina Morales kahit may mini-me na ito.

5. Ruffa Gutierrez

Kahit na may dalawang dalagitang anak na ang dating Miss World title holder na si Ruffa Gutierrez ay talaga namang parang dalaga pa rin itong tingnan.

6. Rufa Mae Quinto

Isa sa pinakasexy na artista sa showbiz ay si Rufa Mae Quinto kaya namang bonggang bongga na na imaintain niya ito.

7. Sunshine Cruz

Kung makikita mo si Sunshine Cruz na kasama ang kanyang tatlong magagandang dalagang mga anak, masasabi mong kapatid lang nila siya.

8. Jodi Sta. Maria

Sa kagandahan at kasexyhan hindi din pahuhuli si Jodi Sta. Maria na isa sa hot mamas.

9. Carmina Villaroel

Kahit kailan isa si Carmina Villaroel sa napakasexy na celebrity mom dahil kahit malalaki na ang kanyang mga kambal ay dalagang dalaga pa rin siyang tingnan.

10. Toni Gonzaga

Biro pa nga ng kanyang milyon milyong tagahanga, parang niluwa lang ng Ultimate Multimedia Superstar at Romantic Comedy Queen na si Toni Gonzaga si Baby Seve dahil tila walang bakas na pagbabago ang kanyang katawan.

Marami pang mga celebrity moms na talaga namang maintain pa rin ang kanilang kagandahan at kasexyhan kagaya nina Lucy Torres-Gomez at La Greta, Gretchen Barretto.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel