Hidilyn Diaz, paglilinis ng sasakyan at pagebenta ng isda ang kinabubuhay bago mag-weightlifting

Hidilyn Diaz, paglilinis ng sasakyan at pagebenta ng isda ang kinabubuhay bago mag-weightlifting

- Nagsimula rin daw sa hirap ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz

- Minsan na siyang na-feature Kapuso mo Jessica Soho, panahong nagsisimula pa lamang siya sa pagbubuhat

- Tumutulong lamang siya noon sa kanyang mga magulang sa paglilinis ng tricycle at jeep at maging pagtitinda ng isda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang karangalan ng ating bansa ang nakamit nang manalo ng gold medal sa weightlifting si Hidilyn Diaz sa women's 53-kg. division sa 2018 Asian Games. Ito ang ang unang ginto ng ating bansa sa nasabing kompetisyon.

Sa isang panayam kay Hidilyn ng Kapuso mo Jessica Soho noong siya ay nagsisimula pa lamang sa weightlifting, binahagi niya ang kanyang mga tinatawag na "humble beginnings"

Nalaman ng KAMI na naabutan pa noon ng programa na nag-iigib si Hidilyn ng tubig sa kanilang lugar sa Zamboanga. Nangangahulugang nagmula siya sa simpleng buhay roon.

Katunayan naging katuwang pa siya ng kanyang mga magulang sa pagilinis ng tricycle at jeep at maging sa pagtitinda ng isda.

Ayon pa sa kanyang ina, malaki raw ang pinagbago ng kanilang buhay nang magsimulang mag-weightlifting si Hidilyn at makasali sa iba't ibang kompetisyon.

Nakapagpundar siya ng gamit at naipagawa ang kanilang bahay roon.

“Sobrang hirap talaga ng buhay namin. Simula nang pumasok siya sa pagbubuhat, siya na ang tumulong sa aming pamilya. Lahat na, ibinigay niya sa amin,” kuwento ng ina ni Hidilyn na si Emelita na sobrang proud sa anak.

Sinong mag-aakala na sa isang lumang gym lamang noon nagsasanay ang ngayon ay isa sa mga pinagpipitaganang karangalan ng Pilipinas, at iyon ay sa katauhan ng atletang si Hidilyn Diaz.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel