31 taong gulang na babae, pumanaw dahil sa sobrang overtime sa isang buwan

31 taong gulang na babae, pumanaw dahil sa sobrang overtime sa isang buwan

- Isang 31 taong gulang na babaeng Japanese ang dumanas ng heart failure dala ng sobrang pagtatrabaho

- Nakilalang si Mika Sado na isang political journalist sa Japan ay pumanaw 4 na taon na ang nakalipas ngunit ngayon lang hinayag ang tunay na dahilan ng pagkamatay

- Pinaalalahanan ang lahat na anumang labis ay nakasasama sa ating kalusugan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 31 taong gulang na political journalist si Mika Sado ng bansang Japan ang pumanaw dahilan sa labis na pagtatrabaho.

Nalaman ng KAMI na sa loob lamang daw ng isang buwan ay sobra sobra na ang pag-O-OT o overtime ang ginagawa nito sa kanyang trabaho.

Bagaman at siya ay pumanaw apat na taon na ang nakalipas, ngayon lamang naihayag ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa ulat ng cosmo.ph, isang buwan bago pumanaw si Mika nagtrbaho raw ito ng karadagang 159 na oras at 37 minuto sa kanyang regular na oras sa trabaho. Dagdag pa ng Business Insider, tinatayang karagdagang 6 na oras ito araw-araw sa kanyang trabaho.

31 taong gulang na babae, pumanaw dahil sa sobrang overtime sa isang buwan

source: cosmo.ph

Bilang political journist, nakatutuok si Mika sa National at regional elections noon at dalawang araw lamang daw siya nakapag-day off sa loob ng isang buwan.

Sa kasamaang palad, tatlong araw matapos ang eleksyon, natagpuan na lamang daw si Mila sa kanyang kama na walang malay habang hawak pa rin ang kanyang telepono. Congestive hesrt failure daw ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa Tokyo Labor office, "karoshi" daw ang kinamatay ng journalist na ito na ang ibig sabihin ay "death from overwork"

Bago pa siya pumanaw, nakapag-email pa si Mika sa kanyang ama kung saan nasabi niya kung gaano na siya ka-stress sa trabaho.

"I am too busy and stressed out and think about quitting my job at least once a day, but I guess I have to hang on," sulat ni Mika sa kanyang ama.

Tulad din dito sa Pilipinas, 40 na oras lamang sa isang linggo dapat magtrabaho ang isang empleyado sa Japan. Lumalabas na 8 oras sa isang araw na mayroong 1 oras na break.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

.

Source: Kami.com.ph

Related news
Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel