Babaeng bumili ng sampaguita sa estudyanteng nagbebenta, naiyak sa sobrang awa

Babaeng bumili ng sampaguita sa estudyanteng nagbebenta, naiyak sa sobrang awa

- Nagviral ang isang post kung saan naiyak ang dalagang bumili ng sampaguita sa isang estudyanteng naka-uniporme kahit gabi na

- Di man kumpirmado pero ang dalaga raw na ito na bumili ng sampaguita ay ang Kapamilya actress na si Vivoree Esclito

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang viral post na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang larawan ng isang dalaga na bumili ng sampaguita sa isang batang naka-uniporme pa.

Nalaman ng KAMI na matapos bumili ng dalaga sa batang lalaki, sinabi niya na pambaon daw ito ng bata na naka-uniporme pa.

Awang awa raw ang dalaga na sabi ng ilan ay ang Kapamilya actress na si Vivoree Esclito. Napaiyak daw talaga ang dalaga sa awa sa batang lalaki na ginabi na sa pagtitinda ng sampaguita.

Madadala ka raw talaga sa pag-iyak ng dalaga na kitang kita na tagos sa kanyang puso ang awa na naramdaman nito sa batang lalaki.

Ayon sa post, Grade 6 student na ang batang lalaki na nagtitinda ng sampaguita para may baunin siya kinabukasan.

Pinaalalahanan pa ng dalaga na huwag gagamitin sa masama ang pera at pambaon lamang niya dapat ito.

Sa Trinoma mall daw talaga madalas makita ang bata habang ang ina naman nito ay sa labas ng Megamall nagtitinda.

Samantala, di rin maiwasan ng ilang mga netizens na maging emosyonal sa nakita nilang reaksyon ng dalaga.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakaiyak naman ate"

"Aw yung iyak niya talaga nakakadala :'( maiiyak kanalang din talaga huhu"

"nakakatouch naman kasi talaga eh"

"Grabe ninang. Nadala ako sa iyak ni V"

" nabibiyak din un puso ko! un ramadam mo talaga un hagulgul eh!..napakabait mo talagang bata ka!"

"Ang bait mo talaga viv ,pinapanood ko yan naluluha din ako"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel