Video ng asong si Mia na magaling umangkas sa likod ng motorsiklo, pinagkaguluhan sa Internet!

Video ng asong si Mia na magaling umangkas sa likod ng motorsiklo, pinagkaguluhan sa Internet!

- Viral ngayon ang video ng isang aso na magaling umangkas sa motorsiklo na nangyari sa loob ng parking lot ng NAIA Terminal 2

- Makikita sa video kung paano tinawag ng amo si Mia habang papaalis na ang lalaking sakay ng motorsiklo kasama ang isa pang tuta sa unahan.

- Kinunan ang nasabing video ng aliw na aliw na netizen na si Franz Marjoe habang nagba-bye pa ito sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok ngayon sa social media ang isang masunuring aso sa kanyang amo dahil sa galing nito sa pagsakay sa motorsiklo! Bukod pa rito, kaya nitong umangkas na mistulang isang tao sa paghawak nito sa likod ng kanyang amo.

Nalaman ng KAMI na ang viral na pinangyarihan ng nakatutuwang engkwentro ng isang netizen ay sa parking lot ng Centennial Terminal ng NAIA.

Ayon sa ilang netizens, matagal na raw na nasa nasabing parking lot si 'Mia', ang aso na nasa video. Anila, marami pa rin daw ang bumibilib sa kakayahan ng aso na sumunod sa kanyang amo dahil sa disiplinang ipinakikita nito.

Makikita sa viral video ang amo ni Mia na isang lalaking nakasuot ng helmet at leather jacket habang karga nito ang isa pang tuta na ikinalong naman nya sa harapan.

Matapos nito, pinaandar niya ang motorsiklo at sabay atras patungo kay Mia. Sa una ay aakalain mong nagbibiro lamang ang lalaki nang tawagin niya si Mia.

Ngunit nang tawagin nito, "Mia, sakay na!" ay nakakagulat kung paano nito nagawang sumakay nga sa likod ng motorsiklo.

Kinunan ang video ng netizen na si Franz Marjoe, at nagpaalam pa sa kanila nang makitang papaalis na ang tatlo na lulan ng motorsiklo.

Panoorin ang nasabing video sa ibaba:

Umabot na sa humigit kumulang 19,000 views na sa Facebook ang video na ini-repost ng Pilipino Star Ngayon na humakot ng iba't ibang kumento mula sa netzens:

"naku buti na lang walang MMDA "

"Ang galing nang aso"

"Naalala ko tuloy yung aso ko. Angkas ko rin sya mula trabaho hanggang pauwi ng baguio vice versa"

"Sa park yan ng terminal 2 .. nkita ko na yan dati...ang galing tlga ni dogie.."

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there, too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mispronounced words: every language has them. And English is not an exception. So, today we are going to ask people we will meet in the streets of the Philippines to spell some of the most difficult English words – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel