Reunited! Nate Alcasid, muling nakasama ang kanyang Ate Sarah at Ninang Michelle van Eimeren

Reunited! Nate Alcasid, muling nakasama ang kanyang Ate Sarah at Ninang Michelle van Eimeren

- Nasa Pilipinas na din ang isa pang anak ni Ogie Alcasid kasama si Michelle van Eimeren

- Dumating sila galing Australia para sa 30th anniversary concert ng singer

- Masayang sinalubong ni Nate Alcasid ang kanyang ate at Ninang Michelle

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumating na sa bansa ang kapatid ni Leila Alcasid na si Sarah kasama ang kanyang inang si Michelle van Eimeren. Ito ay para sa 30th anniversary concert ni Ogie Alcasid sa August 24 sa Smart Araneta Coliseum.

Masaya ang singer-songwriter na safe na nakarating sina Sarah at Michelle sa bansa.

Masayang sinalubong ni Nate ang kanyang ate Sarah at Ninang Michelle. Kasama niya ang Ate Leila niya na sa kasalukuyan ay naninirahan sa bansa at nagsisimula nang makilala sa showbiz at music industry.

Ibinahagi ni Ogie sa Instagram ang video ng pagkikita nina Nate at ate niya kasama ang ninang niya.

Napatalon pa si Nate nang makitang may paakyat sa elevator. Buhat pa niya ang alagang shih tzu na si Chanel nang salubungin niya sina Michelle.

Magpeperform ang tatlong anak ni Ogie na magkakasama sa unang pagkakataon sa Biyernes. Habang si Leila ay nakikilala na sa kanyang musika, si Sarah ay bahagi din ng Glee club sa kanyang paaralan sa Australia.

Si Nate naman ay mahilig din sa musika lalo at parehong magagaling na mang-aawit ang kanyang mga maulang.

"Si Nate, medyo alien yun, e, kaya isang pakinig lang niya alam na niya,” saad ni Ogie.

Ito ang unang pagkakataong makakaharap ni Nate ang Ninang Michelle niya matapos malamang ikinasal ito sa ama niya noon. Masaya naman siya sa kanyang natuklasan.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Liza Soberano reacts to hilarious memes about her

Liza Soberano reacts to hilarious memes about her

Liza Soberano reacts to hilarious memes about her
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel