Melai Cantiveros, may ibinulgar tungkol sa kanyang first crush sa PBB

Melai Cantiveros, may ibinulgar tungkol sa kanyang first crush sa PBB

- Wala talagang makakapagpigil kay momshie Melai Cantiveros sa paghaharurot sa pagkukwento at likas na may angking talino sa pagpapatawa

- Kaya naman certified trending ang kanyang TV guesting sa Tonight With Boy Abunda kamakailan lang

- At dahil na rin sa pagbulusok sa pagkukwento ng Magandang Buhay momshie, naibulgar niya sa nasabing interview ang kanyang tunay na first crush sa Pinoy Big Brother House

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng ABS-CBN site ang nakakaaliw na interview ni Magandang Buhay momshie Melai Cantiveros sa show ni Boy Abunda.

Bungad ni Tito Boy kay Melai Cantiveros sa Tonight With Boy Abunda (TWBA), sa video na naispatan ng KAMI:

"Take me back to the very first moment you saw Jason Francisco, your husband. Yung talagang nasilayan mo siya. Cge nga."

Na agad naman na sinagot ni Melai na walang preno:

"I will take you back talagang hindi ako na attract sa kanya dahil mukha syang adik talaga Tito Boy."

Dito, agad naman sinundan ni Boy Abunda ng:

"Oh, Melai magpakatoo ka. Ang cute ni Jason ha."

Sinagot naman ni Melai na:

"I want to take you back Tito Boy."

Dugtong pa niya:

"Pero ang pinakaunang crush ko talaga si Paul Jake [Castillo]. Siyempre, mamili na ako ng parang mayaman mayaman kasi may-ari ng essential oil."

Talagang walang kakupas kupas si Melai Cantiveros sa pagpapatawa at pag-entertain ng mga manonood sa kanyang anking galing sa pagpapatawa.

Kaya naman bumuhos ang iba't ibang komento sa Magandang Buhay momshie.

"Very humble.. d nakakasawa c melai.."
"Si Melai hindi nakakasawa makita sa TV"
"Nakakamiss ang brkadahan nila melai.jayson.jake.gibo.johan.rica.carol sa pbb....."
"Parang pinalaba nya Lang ako Ng pinalaba. Haha!"
"Hahaha..Love you Melai...hahahah"
"Crush ko din si Paul Jake nung time na yun. Sya yung pogi na mayaman but very humble. May gf sya noon pero nagustuhan nya yata sa loob ng bahay si Sam Pinto."
"nakaka inspire si melai! napaka totoo grabe!"
"Totoo talaga siya. i love you Melai"

Unang nakilala si Melai Cantiveros sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009, kung saan siya ang tinanghal na Big Winner.

Naging first winner din sya sa first season ng Your Face Sounds familiar.

Ngayon, makikita siya sa Magandang Buhay ng Kapamilya network kasama sina Karla Estrada at Jolina Magdangal.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel