Driver pinaharurot ang pag-aaring Ferrari matapos masita ng MMDA dahil sa illegal parking

Driver pinaharurot ang pag-aaring Ferrari matapos masita ng MMDA dahil sa illegal parking

-Matapos masita ng illegal parking ang driver ng isang mamahaling sports car sa Cubao, pinaharurot pa ang sasakyan kahit hindi pa nati-ticket-an

-Ngunit dahil sa mabigat na traffic, huli pa rin ang tumakas na motorista

-Samantalang, nasabon naman ang enforcer na nakahuli dito dahil sa hindi pagkumpiska sa lisensya ng nasabing motorista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Isang driver na nagmamay-ari ng mamahaling sports car ang nahuli ng Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil sa illegal parking.

Ngunit imbes na sumunod ito sa mga awtoridad, sumakay ito sa Ferrari na pag-aari at tsaka pinaharurot ang sasakyan.

Ngunit dahil sa mabigat na trapiko sa lugar, agad namang nahuli ito ng mga enforcer na naka-motor.

Ayon naman kay MMDA Special Operations Commander Bong Nebrija Nebrija, tinekitan lamang ang driver para sa illegal parking at disregarding traffic sign na may multa lamang na P350.

Ayon pa sa kaniya, mababa iyo para sa isang motoristang may-ari ng Ferrari na tumakbo pa. Dapat daw na kuwestiyunin ang apprehension ng enforcer na unang naka-huli sa motorista.

Kung kaya naman sermon ang inabot ng enforcer na ito kay Nebrija.

"Alam mo namang reckless driving 'yun diba? Apprehended after a long chase, kailangan ko pa bang sabihin na kumpiskahin 'yan? Eh 'yung motor nga kinukumpiska natin eh tapos 'yung Ferrari, porket naka-Ferrari? Ayokong makialam sa apprehensions niyo pero let's do it right," sabi nito.

Bukod dito, ilan pang motorista ang hinuli na MMDA. Kabilang ang isang driver ng motor na tumakas din.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel