Jordan Clarkson, lalaro na para sa Pilipinas kasama ang Gilas kontra China

Jordan Clarkson, lalaro na para sa Pilipinas kasama ang Gilas kontra China

-Maglalaro na sa unang pagkakataon ang NBA player na si Jordan Clarkson, para sa Pilipinas, kasama ng Gilas kontra sa China

-Sa pagpapatuloy ng 2018 Asian games sa darating na Martes, inaasahan na ang partisipasyon ni Clarkson

-Pinuri naman ng bagong coach ng Gilas Pilipinas, na si Yeng Guiao ang bagong miyembro ng koponan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Sa pagpapatuloy ng 2018 Asian games, inaasaahan na ang paglaro ni Jordan Clarkson para sa Pilipinas, kasama ang Gilas Pilipinas.

Masusubukan na ang galing ng Fil-Am combo guard ng Cleveland Cavaliers sa unang paglaro nito para sa bansa, kontra China, sa darating na Martes.

Nauna ng naibalita ng KAMI, ang pagkapanalo ng Pilipinas laban sa national team ng Kazakhstan noonh nakaraang Huwebes, na siya namang araw ng pagdating ni Clarkson sa Jakarta. Hindi na umabot para maglaro ang NBA star kung kaya naman nanood na lamang ito.

Habang ang parehong Gilas at China ay inaasahan na makaabot sa susunod na round ng Asian Games, kailangan ng Pilipinas ang isang panalo upang maiwasan ang ma-knockout sa quarterfinals.

Kumbinsido naman ang bagong coach ng Gilas na si Coach Yeng Guiao na angat ang galing ni Clarkson sa Asian Games.

“I think he’s a class of his own in this Asian Games.Wala pa akong nakita. I’ve watched Korea, China, Japan, Iran. I don’t think skill-wise may tatapat sa kanya.” Buong kumpiyansa niyang pahayag.

“Nadagdagan ang quickness natin sa pagdating si Clarkson, Jordan’s mentality is he can control the game just by his decision-making not to mention his skills and physical abilities.” dagdag pa nito.

“If you give him the ball and make him create, it’s either he will find the open guy or he will score. A lot of PBA [Philippine Basketball Association] imports don’t get to that level. Mayroon silang physical skills, mayroon silang size and mayroon silang abilities, pero at a young age, it’s really the mental aspect of the game (that sets him apart). How he reads the game, how he makes decision, how he chooses his options, I think that’s the difference,” tukoy nito kay Clarkson.

Ang katapangan ni Clarkson ay susubukin sa laro ngayon kasama ang makapangyarihang koponan ng Tsino.

“Kung mabilis tayong mga Pinoy, sobrang bilis nito. He’s incredibly quick, fast and he’s got quick reflexes. On a match up situation, hindi ko alam sino itatapat ng China sa kanya.” pahayag naman ni Guiao tungkol dito.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
SUV na may plakang no. 8 mula sa viral video, nag-iba na raw ang kulay

SUV na may plakang no. 8 mula sa viral video, nag-iba na raw ang kulay

SUV na may plakang no. 8 mula sa viral video, nag-iba na raw ang kulay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel