Netizen, humingi ng tulong para sa batang labis na umiiyak dahil sa malubhang sakit

Netizen, humingi ng tulong para sa batang labis na umiiyak dahil sa malubhang sakit

- Binahagi ng netizen na si Janna Janjan Alagon Racho ang isang video ng batang umiiyak sa labis na sakit na nararamdaman dala ng leukemia

- Naantig si Janna sa nakita niya dahil habang umiiyak ang bata, walang magawa ang ama nitong si Edgar Montes kundi ang haplusin ito upang tumigil

- Matapos mag-viral ang post, bumaha ng tulong para sa bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nadurog ang puso ng facebook user na si Janna Janjan Alagon Racho nang makita ang kalagayan ni Jomel Montes, isang batang may leukemia.

Sa post ni Janna, makikitang hinahaplos ng ama ang anak na si Jomel habang umiiyak ito sa sakit na dala ng kanyang karamdaman.

Ayon pa kay Janna, pagniniyog lang daw ang hanapbuhay ng ama ni Jomel na si Edgar. Nalaman ng KAMI na hikahos sa buhay ang pamilya ng bata kaya naman kulang na kulang ang pera nila sa mga gastusin pa lang sa ospital. Minsan pa nga, di sila nakakakain ng maayos sa isang araw.

Umabot na sa 2.1 million views at naging viral na nga ang video ni Janna na noong Agosto 19 lamang binahagi. Kaakibat nito ang dagsa rin ng gustong tumulong kay Jomel at isa na rin dito ay ang tanggapan mismo ng Pangulo ng bansa.

Habang kausap daw ni Jannah ang ate ni Jomel na si Joecelle, tumawag raw ang taga Malacañang upang magpabatid ng tulong.

Sa kasalukuyan, nailipat na ng private roon si Jomel sa tulong ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas. Dumadagsa pa rin ang tulong na bata na laking pasalamat naman ng kanyang pamilya.

Ang ate ni Jomel na si Joecelle ang nakikipag-usap sa mga nagpaparating ng tulong sapagkat no read no write daw ang ama nito.

Patuloy pa rin ang pag-alalay ni Jannah sa iba pang tulong na ipababatid sa pamilya.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis

Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis

Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel