Tinaguriang "Reyna ng Gold digger", humingi ng tulong kay Tulfo, nakakatanggap na umano ng death threats

Tinaguriang "Reyna ng Gold digger", humingi ng tulong kay Tulfo, nakakatanggap na umano ng death threats

-Dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo ang viral na babaeng nanghuthot daw sa isang Koreano dahil sa mga natatanggap na death threats nito

-Umabot na daw sa 3-5 million ang nakuha ng dalaga mula sa Koreano na si Alex Lim, sa dalawang taong relasyon nila

-Itinanggi din ng Koreano na alam niyang may boyfriend ang kaniyang "Jiga" (Korean word for Honey) habang sila pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Sa progamang Raffy Tulfo in Action, dumulog ang dalagang tinagurian ng mga netizens na "Reyna ng mga gold digger at F girl", matapos diumano siyang makatanggap ng death threats mula sa hinuthutang Koreano na si Alex Lim.

Sa interview nito sa programa ni Tulfo, inamin ng dalaga na tumagal sa dalawang taon ang relasyon nila ng boyfriend na Koreano. Hindi na rin itinanggi ng babae na malaki na ang kaniyang nahuthot mula dito na umabot na sa 3-5 million ayon kay Lim.

Kabilang sa mga nahingi diumano niya ay mga cellphone, appliances, motor at tirahan.

Inamin din nito na mayroon siyang Pilipinong boyfriend ng mga panahon na nagkaroon siya ng relasyon sa Koreano.

Nang tanungin naman ni Tulfo kung alam ba ni Lim na may boyfriend ang nasabing dalaga, itinanggi din niya ito at sinabing nagtataka daw siya dahil ginagamit ng nasabing boyfriend ng dalaga mga cellphone na ibinigay niya para sa girlfriend.

Sa kasawian-palad nasawi na ang Pilipinong boyfriend ng nasabing dalaga, na inakala ni Lim na kaibigan lamang ng girlfriend. Ayon pa umano sa kaniya, ipina-renovate pa niya ang bahay ng lalaki na siyang tinitirahan ng dalaga at umabot sa 3 milyon ang nagastos niya dahil dito.

Hindi naman ito itinanggi ng babae at sinabing ang boyfriend at nanay daw nito ay siyang nag-uutos sa kanya na gawin ang mga ito.

Sinabi naman ng dalaga na tatlong beses na niyang gustong makipaghiwalay kay Lim ngunit ayaw diumano siya nitong pakawalan. At dahil sa pakikipag-hiwalay niya dito, nakakatanggap na siya ng death threats mula dito. Sinabi naman ng Koreano na nagawa lamang niya ang lahat ng ito dahil sa pagmamahal.

Sa huli, naging daan naman ang programang nabanggit upang magkaintindihan ang dalawa. Nangako si Lim na palalayain na niya ang dalaga. Samantalang ang babae naman ay nangakong ibabalik ang ilan sa mga bagay na ibinigay sa kaniya ng Koreano.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel