Binata, na-in love sa isang deaf/mute, puso raw ang nagkaintindihan

Binata, na-in love sa isang deaf/mute, puso raw ang nagkaintindihan

- Binahagi ni Erickson Galura kung paano siya na-in love kay Jannyl Rivera na may kapansanan sa pandinig at pananalita

- Bukod sa hirap ng komunikasyon, nasa Pampanga si Jannyl at sa Maynila naman si Erickson

- Sa kabila ng mga maituturing na balakid sa kanila, nanaig pa rin naman daw ang pag-big nila sa isa't isa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Love at first sight daw na maituturing ni Erickson Galura ang naramdaman niya noon kay Jannyl Rivera.

Nalaman ng KAMI na sa pagbisita ni Erickson sa mga kaanak nila sa Pampanga, nakilala niya si Jannyl.

Bagaman at deaf at mute ang dalaga o walang naririnig at di nakakapagsalita, di ito naging hadlang sa kanilang pag-iibigan.

Sa una ay nagsusulatan sila, ngunit dahil tinuruan na ni Jannyl si Erickson mag-sign language, nakakapag-usap na sila.

Masigasig na nagpupunta linggo linggo si Erickson sa Pampanga upang bisitahin si Jannyl. Dahil doon, nakita ng dalaga ang effort ng binata kaya naman napamahal ito sa kanya.

Nakakatawa pa nga raw nang araw na noong araw na pa na sinagot ni Jannyl si Erickson at di niya ito agad naintindihan. Buti na lamang daw at ininterpret ito ng kapatid ni Jannyl.

Masaya ang pagsasama ng dalawa sa kabila ng sitwasyon, katunayan natutulungan pa raw ni Erickson ang organisasyon ni Jannyl bilang interpreter nila.

Bukod dito, si Erickson pa nga ang minsang nagtanggol sa grupo nina Jannyl nang minsang sila ay nakaranas ng deiskriminasyon daw sa isang mall. Ito ay dati nang naibalita ng KAMI.

"'Yong love kasi 'pag naramdaman mo 'yan, totoo 'yan so continue mo lang 'yan. Ipaglaban mo, huwag mo ikahiya," pahayag ni Erickson.

Dahil sa sobrang kakaiba ang kwento nila n nagpapatunay ng totoong pag-ibig, na-feature pa ang kwento nila sa ASAP TLC.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel