Jaycee Parker, sinagot ang rumor na napaaga ang kasal nila ni Jericho Aguas dahil buntis siya

Jaycee Parker, sinagot ang rumor na napaaga ang kasal nila ni Jericho Aguas dahil buntis siya

-Sa isang interview ni Jaycee Parker, sinabi niyang hindi siya buntis kaya napaaga ang kasal nila ng long time partner na si Jericho Aguas

-Inamin din ng aktres na biglaan lamang ang pagpapakasal nila ng ngayo'y asawa na niya na si Jericho at malaki daw ang naitulong ng anak ng asawa mula kay Isabel Granada

-Sinabi pa ng former viva hotbabes member na talagang gusto na nila ni Jericho ang magkaroon ng supling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Nitong nakaraang Linggo, August 19. Ginanap ang Christian wedding ng former viva hotbabes member na si Jaycee Parker at dating asawa ni Isabel Granada na si Jericho Aguas, sa Promenade King’s Royal sa Bacolor, Pampanga.

Inamin ni Jaycee na biglaan lang talaga ang kasal nilang dalawa, ngunit hindi daw siya buntis kaya napaaga ang kasal na originally ay two years pa dapat.

“Wish ko lang. Sana. Wala pa, eh. Pero yon talaga yung wish ko, gusto ko susunod na yon,” sagot ni Jaycee sa issue na ito.

“Actually, dapat baby na lang. But since nag-born again kami and we’re now Christians (sa Victory), na-realize namin na hindi pala tama yung magkasama ang isang babae at isang lalaki sa iisang bahay na hindi naman talaga sila kasal." ayon sa pahayag ni Jaycee sa Push.

Ayon pa sa kanya, one month lang daw ang naging preparation ng kasal nila ni Jericho.

“Wala talaga. Talagang, ‘Magpakasal na tayo,’ ganun na lang. Walang engagement. Actually, kahapon (August18) lang niya binigay yung ring. Sabi niya, ‘Halika dito, may nakalimutan akong ibigay sa ‘yo. Ganun lang,” natatawang pahayag pa nito.

Nalaman din ng KAMI, na malaki ang naging partisipasyon ng anak ni Jericho sa yumaong dating asawa nitong si Isabel Granada, na si Hubert Thomas Aguas. Kinanta daw nito ang "Over and over again" habang nagmamartsa si Jaycee papuntang altar.

Nauna ng naibalita ng KAMI, ang star-studded na kasal ng dalawa.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel