Billy Crawford wala na sa It's Showtime?! Madlang pipol buhos ang reaksyon

Billy Crawford wala na sa It's Showtime?! Madlang pipol buhos ang reaksyon

- Tila nagulantang at nalungkot ang madlang pipol ng may isang diumano'y rebelasyon na napag-alaman nila sa isang tweet ng dating kasamahan sa It's Showtime

- Alingawngaw ngayon ay wala na daw si Billy Crawford sa nasabing Kapamilya noontime show at ito ay nanggaling umano sa tweet ni Kuya Kim Atienza

- Dahil dito, bumuhos ng samu't saring reaksyon, at mga tagahangang nalungko sa diumano'y pag-alis din ng international singer sa Showtime

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mukhang gumawa ng ingay ang isang tweet ng dating It's Showtime host na si Kim Atienza o mas kilala sa pangalang Kuya Kim.

Ang nasabing tweet ay naispatan agad-agad ng Fashion Pulis at ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kaya naman ang tanong ng marami ngayon ay kung totoo ba ang nasabing haka haka.

Napag-alaman ng KAMI na kamakailan lang ay nagshare ng post si Kuya Kim sa kanyang opisyal Twitter account na isang litrato na mayroong nakakaintrigang caption, kung saan nanggaling ang mga alingawngaw.

Shinare ni Kim Atienza ang tatlong litrato, kung saan makikita sya na kasama sina Coleen Garcia, Eric Eruption, at Billy Crawford.

Sa nasabing post ay nilagyan nya ito ng caption, at ang sabi dito ay:

"iiiiiiiiit's showtime! You will always be family! @BillyCrawford @coleengarcia @ERUPTION23"

Alam naman daw ng lahat na wala na si Kuya Kim at si Eric Eruption, ngayon naman ay tila nagdagdagan ang listahan sa mga mawawala na mga hosts sa It's Showtime.

Una ng umalis ang asawa niyang si Coleen Garcia noong 2016, ayon pa sa balita.

Sa It's Showtime wikipedia page, makikita pa rin ang pangalan ni Billy bilang isa sa mga main hosts pero nakalagay "on hiatus."

Subalit hindi mo na makikita ang pangalan niya at ni Coleen sa Team Boys at Team Girls na listahan sa nasabing online bio.

Kaya bumuhos ang mga reaksyon ng madlang pipol dahil dito.

"Awww kakamiss! (emojis) balik nyo na po sila @itsShowtimeNa pleaseee! Ibalik nyo yung dating masayang pamilya wag puro ratings na lang, isipin nyo rin makakapagpasaya sa madlang pipol (emoji) Iba pa rin talaga original, lahat binibigyan ng tamang exposures, pantay pantay walang lamangan.."
"The originals. :) Better ones."
"Ohh billy too?? Kala ko naka leave lang huhuhu okkkk"
"hala niaano namin kayo? huhuhu bakit pabigla-bigla naman."
"may i know the reason of billy why he left"

Si Kim Atienza ay nagsimula sa It's Showtime noong 2009 at umalis noong 2016.

Si Eric Eruption Tai naman ay nagco-host sa nasabing show noong 2011 hanggang 2015.

Si Coleen Garcia naman ay nagsimulang magco-host sa Kapamilya noontime show noong 2012 at umalis noong 2016.

Si Billy Crawford nag-umpisang maghost sa Showtime noong 2011.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis

Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis

Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel