Good news! Ayon sa isang social experiment, anim sa sampung Pinoy matapat pa rin

Good news! Ayon sa isang social experiment, anim sa sampung Pinoy matapat pa rin

-Sa isang social experiment ng GMA News, napatunayang anim sa sampung Pinoy ay nanatiling matapat

-Isang set up ang ginawa ng isang programa ng GMA Network sa isang karinderya upang subukin ang katapatan ng mga Pinoy

-Ilan sa mga ito, nakipagmatigasan pa ngunit lamang pa rin ang matapat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Isang social experiment ang ginawa ng isang programa ng GMA Network upang subukin kung gaano nga ba katapat ang mga Pilipino.

Nagkabit ng mga hidden camera sa isang karinderya sa Quezon City, araw-araw daw dagsa ang mga kumakain dito. Kung kaya naman, kasabwat ang mga tindera sa karinderya, sinubok ng programa kung tapat pa nga ba ang mga Pino sa pamamagitan ng pagbibigay ng sobrang sukli.

Ang ilan sa mga ito, hindi isinauli ang sobrang sukli, ang isa pa nga sa mga customers, nagmatigas pa kahit na sobra ng limampiso ang isinukli sa kaniya ng kasabwat na tindera.

Ngunit kung may mga 'di nagsauli ng sobrang sukli, anim sa sampung customer na binigyan ng sobrang sukli honest pa rin!

Nakatatak pa naman daw ang pagiging tapat sa kultura ng mga Pilipino kung kaya naman nananatiling buhay ang "Self service" pagbili at pagbabayad sa bansa.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
SUV na may plakang no. 8 mula sa viral video, nag-iba na raw ang kulay

SUV na may plakang no. 8 mula sa viral video, nag-iba na raw ang kulay

SUV na may plakang no. 8 mula sa viral video, nag-iba na raw ang kulay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel